Warning! Not your ordinary Man x Man story. Sizzling hot! Controversial! Tear jecker! Love-Filled! ALL Emotions in One Gay Love Story Chapter 102: Goodbye Friend "Pagod na pagod na ako sa buhay." Pare- pareho silang nanlumo sa narinig na iyong mga kataga mula kay Chester. "Hindi pa ba kami sapat na dahilan para lumaban ka? Para ituwid mo ang buhay mo at ang mga naging pagkakamali mo?" Hindi niya tuloy ito napigilang tanungin. Mas hinigpitan nito ang pagkakatangan sa kanyang kamay. "Kayo nga ang dahilan kung bakit ako tumagal ng ganito eh. Limang taon ko nang dinadala ang sakit na ito. Tumagal ako dahil masaya akong kasama kayo. Pero nabuhay din ako sa kasalanan at pagkakamali dahil sa galit ko sa aking pamilya na hinanap ko sa pakikipagtalik sa kung kani- kanino." Habang nakahiga

