Ayaw ka nang pakawalan ng boss mo," bulong ni Delia kay Einna pagkagaling ng sekretarya ni Ethan sa silid ni Renzo. "Anong ibig mong sabihin?" "Pinapalipat ka ni Sir Ethan sa ibang department para ako ang maging assistant ni Sir Renzo. Ayun, naningkit lang ang mga mata ng boss mo. 'She will stay with me', ganun ang sabi." Pinigil niya ang ngiti pero kumawala din sa mga labi niya. Kaagad na sumagi sa isip niya ang ginawang paghalik ni Renzo kanina. Naakit niya na ang binata at malapit na niyang maging boyfriend. Ang bait talaga ni Lord. "Inaayos ko naman kasi ang trabaho ko," pagtatanggol niya sa sarili. "Wala siyang dahilan para alisin ako bilang assistant niya." "Uhm. Sige na nga. Wala tayong magagawa kung ayaw ni Sir Renzo na ipalipat ka sa iba. Birthday ni Jocky mamaya, gusto mon

