"S-sa condo? Anong gagawin natin do'n?" tanong ni Einna habang habol pa ang hininga. Hindi pa rin mawala ang kaba niya sa kabila nang nakalayo na siya sa hotel kung saan siya dinala ng tiyahin. Anniversary iyon ng isang malaking kompanya, pero hindi sila dumalo doon para makisali sa selebrasyon. Ipinakilala pala siya kay Mr. Tan na kararating lang mula sa Amerika. Kung bakit naman kasi ngayon pa dumating ang problema ng pamilya nila. Kanina lang ay isinugod sa ospital ang Inay niya dahil nawalan ng malay. Balak niyang umuwi para alamin ang kalagayan nito, pero nagsabi ang Tiya Ghing niya na kailangan nilang maghanap ng pera para magamot kaagad kung anuman ang sakit nito. Ang suhestyon nito ay isama siya sa isang party dahil hihiram daw ito ng pera sa mayayamang kaibigan. Noong una'y pain

