"Saan ka pupunta? Akala ko ba masama ang pakiramdam mo?" tanong ng Tiya Ghing niya na hawak ang telepono niya. Kaagad niyang kinuha sa kamay nito dahil baka biglang tumawag si Renzo. "Okay na ho ako." "Okay ka na? E kanina halos hindi ka makabangon dahil sa hilo mo." Totoong masama ang pakiramdam niya kanina pa lang pagkabangon niya sa kama. Mabigat ang katawan niya na tila hinihila siya ng antok. Maaga siyang umalis sa condo dahil dadalaw siya sa Inay niya na nasa bahay pa ng Tiya Ghing niya ngayon. Nasa taxi pa lang siya kanina ay nakakaramdam na siya ng hilo. "Ang sabi ni tiyang ipapasok daw ako bilang scholar sa Metro Pacific, ate," tuwang-tuwa na wika ng kapatid niya na bahagya lang niyang nginitian. Hindi niya iniintindi ang sinasabi ng kapatid dahil nararamdaman niya ulit ang p

