Chapter 18

1499 Words
Sir may lead na po ako sa kung sino ang gumawa sa kapatid niyo ng bagay na iyon. Gusto po niyang makipagkita sa atin sa susunod na Linggo. Mabuti naman at nang mabigyang linaw na ng mag-asawa ang mga bagay na sumira sa kanilang relasyon. Pinasusubaybayan ng mga magulang niya ang pamumuhay ni Rein at ng pamangkin niya, kaya alam niya din ang lahat ng nangyayari dito. Hindi rin ito nagentertain ng manliligaw dahil alam niyang mahal na mahal nito Kuya malapit ka ng makalaya sa kadilimang gumupo sa iyo, pangako. Walang araw na lumipas na hindi inisip ni Rein ang mga patumpik tumpik na desisyon niya noon at wala ding gabi na hindi siya nagsisi na naging immature siya para pagbigyan makapagpaliwanag ang asawa. Ngayon wala na talaga siyang balita dito. Nang manahimik ang mundo niya doon niya napagtanto ang kababawan na tinikis niya ang asawa. Ngayon, ang dapat na lamang niyang pagtuunan ng pansin ay ang paglaki ng anak, kung paano magiging maayos ang paglaki nito na walang sumusubaybay na ama. Ilan beses din naman siya pinagsabihan noon ng Itay at Inay niya na bigyang pagkakataon ang asawa para sa kanilang anak ngunit, nilamon din siya ng pride, selos at higit sa lahat sobrang pagkamasarili. Sabado ng araw na iyon, napagpasyahan niyang hayaang maglaro ang anak sa kabukiran habang tinatanaw lamang niya ito. Nagulat pa siya ng lumapit ang kapatid at kasama nito si Noel. "Nagtataka ka siguro kung bakit nandito ako Rein, pagsisimula nito. Ngumiti lamang siya ng tipid dito. Malaki na ang pamangkin ko at madami na siyang namiss na oras na kasama ang kanyang daddy Rein, tila nagbabara ang lalamunang sabi nito. Panoorin mo ito Rein, please baka makatulong na matagpuan na ninyo ni Kuya ang kapatawaran ng isa't isa. Lahat ng nangyari ay plinano upang sirain kayong dalawa. Lumuluha siya habang pinapanood ang kuha ng CCTV, napakalaki niyang T***a at pinagtabiyan niya ang taong pinakamamahal at sinayang niya tatlong taon para makasama ito ng masaya. Ikwinento lahat ni Noel sa kanya, kung paano nito natagpuan ang katotohanan at sino ang nasa likod nito. Lintek lang ang walang ganti Julliana, ikawa pa rin pala ang may pakana nito. Sinira mo ang buhay ko at ng asawa ko, sisirain ko din ang iyo, sabi niya sa sarili. Inilabas ang cellphone at hinanap ang mga larawan ng babaeng sumira sa kanyang buhay na inilock niya at nilagyan ng password para safe kay Danielle na marunong nang gumamit nito. Hinanap niya ang website ng agency nito at doon niya sinend ang picture at maging sa f*******: blinurred niya ang maselang bahagi nito at pinakalat ang kabahuang ginawa nito. Nagawa ko nang iganti si Leon, Noel salamat sa ginawa mo para sa amin. Sana mapatawad ako ng kapatid mo at ninyo na din, malungkot niyang sabi. Wala iyon Rein, ginawa ko iyon dahil masakit sa akin na nakikita ang kuya na nagkakaganun. Bakit kamusta ba si Noel? Wala na akong balita sa kanya mula nang putulin ko lahat ng koneksyon namin noon? Sobrang miserable Rein, malungkot nitong sabi. Na-depress siya, nagkulong sa kwarto niya, araw araw umiinom at mainit ang ulo, hindi na nag-aayos ng sarili niya at hinayaan na lamang ang mga buhok sa mukha na humaba, mangiyak ngiyak na sabi nito. Napahagulgol siya habang malungkot nitong sinasabi ang mapait na kinahinatnan ng asawa sa ginawa niyang pagtanggning magkaayos sila. I'm so sorry Noel, kasalanan ko kung bakit nagkanoon si Leon, iyak pa din siya ng iyak. Ramdam niyang bigat ng mga sinabi nito. Pareho lang naman kayong biktima ng ginawang paghihiganti ni Julliana Alegre. Gulat siyang napatingin at sinabing " isa siyang Alegre, ibig mo bang sabihin kapatid siya no Ramon? Oo Rein, ayon sa binayaran kong imbestigador, noon pa lang pakana na ni Ramon ang paglapit ni Julliana dito, maging ang nangyari sa kanila nang malasing si kuya sa party noon, lahat iyon plinano ni Ramon para tuluyang mapabagsak ang kuya. Pero hindi sila nagtagumpay kay kuya kaya nang malaman nila na nagtatrabaho ka sa kumpanya at makita ka ni Julliana, ikaw naman ang ginulo ni Ramon.Sa Boracay, inalam talaga ni Julliana na doon kayo maghahoneymoon. At ang huli nagbayad siya ng mag-asawa para pagawa niya ang balak na sirain ang pagsasama ninyo. Iyak siya ng iyak, all those times inaway lamang niya ang mister at wala siyang ginawa para ipaliwanag nito ang side, galit na galit siya sa sarili at awang awa sa pinakamamahal niya. Niyakap siya ni Noel at inalo. Sshhh. Wag mong sisihin ang sarili mo, biktima kayo ni Leon dito. Hayaan mo at ginagawa namin ang lahat para makulong si Julliana dahil sa ginawa niya, sa ngayon kailangan mong puntahan ang kuya sa mansyon at hinihintay ka pa niya para bumalik ang dating siya. LEON POV... Please, Rein bigyan mo pa ako ng isa pang chance, wala talaga akong ginawang masama, wala akong matandaan na nagdala ako ng babae sa hotel , nagulat na lang talaga ako paggising ko na may katabi na ako...please babe pagbuksan mo ako, mahal na mahal kita at si baby Danielle, hindi ko kayang gawin iyon sa inyo, lumuluha niyang sabi. Oo Leon I know, wala kang kasalanan, ako ang nagtulak sa iyo papalayo at hindi kita binigyan ng pagkakataong ayusin ang nangyari. Naging makasarili at immature ako Leon, Sorry at may humaplos sa mukha ko. Parang totoo ang panaginip ko na sa harapan ko si Rein at sinasabi niyang kasalanan niya ang nangyari, imahinasyon ko lang ba ito sa labis na pangungulila. Pumatak ang luha niya sa pisngi ko iyak siya ng iyak, kitang kita ko ang sakit sa maganda niyang mukha, miss na miss ko na talaga ang mga mukhang nakikita ko sa aking imahinasyon. Hinawakan ko ang buhok niyang tumatabing sa kanyang mukha at pinunasan ko ang luhang naglalandas sa kanyang pisngi. Nanaginip na naman ba ako? Oo araw araw ko siyang panaginip, sila ng anak namin, kaya nadepress ako, nagtago ako sa dilim. Niyakap niya ako at humahagulgol siya habang nakayakap pahiga sa akin. Amoy na amoy ko ang pamilyar na samyo ng kanyang mga buhok at ang init ng katawan niyang nakaakap sa akin. REIN POV... Nang pumasok si Rein sa dati nilang kwarto ni Leon, pinigil niyang umiyak nang makita ang asawa na natutulog at tila tumanda ito ng ilang taon. Nangayayat ito at kitang kita na pinabayaan nito ang sarili. Makalat ang kwarto nila at amoy alak ang paligid, dahil sa mga basyo ng alak sa lapag. Miserable talaga ang itsura nito na sobra niyang ikinaguilty. Nilapitan niya ito at iyak siya ng iyak habang kinakausap ito. Niyakap niya ito ng pahiga at mahigpit. Ang akala ata ng asawa ko nanaginip pa iya kasi hinawi niya ang buhok kong nakatabing sa mukha ko. Ramdam na ramdam ko ang sakit ng pagtikis sa kanya kaya napahagulhol ako sa nakikita kong kalagayan niya. Maya maya tinanong niya ako kung totoo ba lahat ng nangyayari kaya kinurot ko siya sa pisngi at napaaray sya. Bakit mo ako kinurot? Para malaman mong di to panaginip? Masakit naman eh, reklamo nito pero nakangiti na. Pwede ba kiss naman babe? at umakto ng nakanguso... Baka naman pwedeng maligo ka muna babe?biro ko sa kanya. Grabe sya oh...Pero make sure after ko maligo di lang kiss ha babe, pilyong sabi nito. Oo na babe pero kailangan muna nating ayusin ang kwarto natin ibang iba na babe eh pati amoy.... Alam mo naman babe, wala ka eh handa na nga akong mamatay pag di ka na talaga bumalik sa akin eh, pagseseryo muli nito. Hayaan mo babe babawi tayo sa mga oras na nasayang. Kamusta na pala ang Danielle ko babe? Ayun babe, big girl na siya, kausap ang mga abuela niya sa baba at tuwang tuwa sila sa kanya. Wait lang babe ayusin ko lang sarili ko ha bago bumaba at baka matakot ang anak ko sa daddy niya. Sige babe. Bababa lang muna ako. Makalipas minuto tatlumpung minuto, bumaba ito ng fresh na fresh, ahit na ito at itinali lang ang mahabang buhok at nakasuot ito ng white plain shirt na tinernuhan nito ng beige na short. Gwapong gwapo pa din ng asawa niya kahit malaki ang ipinayat nito. Sa wakas nakita ko na ulit ang ngiti niyang nakatutunaw, bulong ni Rein sa sarili. Tinawag niya si Danielle, anak meet your Daddy Leon. Daddy Leon, siya po ba ang daddy ko mommy, pabulol nitong sabi. Niyakap ito ni Leon at binuhat. " Anlaki mo na anak, I miss you baby ko at hinagkan sa noo ang anak. maluha luha itong yakap ang anak. Lalong naguilty si Rein sa nakita sa mag-ama niya. Ibinaba ni Leon ang anak at kinausap. Daddy, will you play with me din palagi, parang si mommy? Promise baby, I will always play with yo din Pinunasan ng bata ang luha ng daddy niya. Why cry cry ka daddy? Happy lang si daddy anak, sagot nito. Maghapon lamang na naglalaro ang mag-ama at masaya siyang masaya ang pinakamamahal na anak at asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD