Katakot-takot na pang-aasar ang inabot ni Wael at Raji kina Samir dahil sa pakulo nilang sorpresahin siya. "Ito kasing si Raji eh, palibhasa pinahirapan ni Yana noon, gustong iganti sa 'kin ang nangyari sa kanya." "Nagkaayos naman kayo kaagad ni Ivy ah!" katwiran naman ni Raji. "Anong nagkaayos? Matinding parusa ang nakapataw sa 'kin." "Anong parusa?" "Bakit ko sasabihin sa 'yo?" "Kasi kakampi mo 'ko. Sinamahan nga kita sa Amerika kahit puwede ka namang dito sa Pilipinas magpa-opera eh. Masyado ka lang dinadaga sa dibdib ayaw mong malaman ng ibang tao na inoperahan ka." "Madadagdagan na ulit ang pamilya natin. Congrats sa inyong mag-asawa," pagbati ni Yana. "Ingatan mo 'yang asawa mo, Wael, dalawang linggong na-stress sa 'yo." "Imbes na siya nga ang sinorpresa ko, ako ang na-sorpr

