"Nasa hardin na ang lahat, ikaw na lang ang hinihintay..." Yumakap si Wael mula sa likuran niya habang nakatingin siya sa salamin. Binyag ng anak nilang si Yash Isaac na ngayon ay limang buwan na. Pero atubili pa siyang lumabas dahil halos hindi pa magkasya ang damit niya. "I look so fat..." himutok niya. Hindi pa bumababa ang timbang niya kahit panay na ang diet niya dalawang buwan na ang nararaan. "You are sexy and beautiful in my eyes. You don't look fat. You're just being hard on yourself." "There are sexy women in the office--" Isang malutong na halakhak ang pinakawalan ni Wael. Mas lalo nitong hinigpitan ang yakap sa kanya. "Kahit pa si Kendall Jenner ang nasa opisina wala akong pakialam. You and the kids matter to me. Bakit kinakain ka ng insekyuridad mo? Nasaan na ang Ivy na p

