Elizabeth "Ay bongga! Grabe rin naman si Papa Nick ayaw magpatalo," natatawa na sabi Mila pagpasok ng office niya. "Hindi ko alam kung may usapan ba sila ng mga boys o ewan," natatawa na sabi niya. Mula pa kasi kaninang umaga ay wala ng tigil ang pagdating ng bulaklak sa office it's either para kay Maricon, Hannah, Mila o sa kanya. Si Gem at Michael ay nasa Puerto Galera dahil doon nag-celebrate ng Anniversary ang dalawa at nag-extend para hanggang sa Valentine's. Tinatawagan niya si Nickolas kanina para tanungin ito tungkol sa mga bulaklak na dumadating pero nasa meeting pa ito. Ang tatlo naman ay tuwang-tuwa sa nangyayari dahil parang ang eksena ay paramihan sila ng bulaklak na matatanggap. Sigurado siya na may napag-usapan ang mga ito dahil the other night ay magkakasama ang mga i

