Elizabeth "Tara na kasi Ellie. Sige na please, ngayon lang ulit tayo makakalabas na tayo lang dalawa kaya pwede ba huwag ka na mag-inarte. Ngayon lang ulit ako naglalambing sa iyo," parang batang nagmamaktol na sabi ni Gem. "Hindi naman ako nag-iinarte Gem, magpapaalam lang ako kay Nick para alam niya kung nasaan ako," paliwanag niya rito. Nasa Davao ngayon si Nickolas, isang linggo ito roon dahil sa conference at kahapon lang ito umalis. Kanina pa siya kinukulit si Gem na pumunta sa Bar ng kaibigan nila dahil bored ito pero sa tingin niya ay nag-away ito at si Michael. Kanina pa niya sinubukan na tawagan si Nickolas pero hindi niya ito makontak. "Just leave him a message Ellie for sure naman ay mababasa niya iyon. Please I really want to go out and I want you to come with me," sab

