Chapter 51 - Finally

1574 Words

Elizabeth Pagkatapos niyang magpalit ng damit at maghilamos ay lumabas na siya ng banyo. Natigilan siya nang makitang nakaupo sa gilid ng kama niya si Nickolas habang nakatungo. Napatingin ito sa kanya nang marinig nito ang pagsara ng pinto. "Okay ka lang ba Ellie?" puno nang pag-aalala na tanong nito at tumango lang siya. Biglang bumilis ang t***k ng puso niya at nanuyo ang lalamunan nang magsalubong ang tingin nila kaya pasimple siyang umiwas ng tingin. Iba't ibang emosyon ang nararamdaman niya ngayon tuwa, pananabik, pangungulila at takot. Pinipilit niyang kontrolin ang emosyon niya kaya tango lang ang naging tugon niya kasi pakiramdam niya kapag sinubukan niya na magsalita ay baka tuluyan na siyang bumigay. Gusto niyang sabihin dito na hindi siya okay pero hindi na lang niya sinabi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD