Nickolas "Wala pa ba sila?" hinihingal na tanong ni Gem pagdating nito. "Akala ko late na ako," natatawa na sabi nito pag-upo. Tinawagan niya ito kahapon para sabihin na gusto niya ito makausap kasama ang mga kaibigan nila. Hindi niya alam kung paano ba niya sasabihin dito ang plano niya na hindi ito mag-iisip ng hindi maganda. For the past few days ay mas naging mahirap para sa kanya ang malayo kay Elizabeth. "Gusto ko sana na tayo lang muna ang mag-usap," sagot niya at nagtataka na nakatingin ito sa kanya pero tumango ito. Tinawag muna niya ang waiter para maka-order ito. Gusto niya matawa sa sarili dahil sobrang kinakabahan siya sa mga oras na iyon. Sa tagal na niya sa business world ay ngayon lang siya ulit nakaramdam ng kaba at takot. Mga kilalang business person at bigatin n

