C-4

525 Words
Five years ago... "Mga anak! Magsigising kayo!" Agad na nagmulat ng mga mata ang dalawa anak na babae ni Julieta. "Bakit po ina?"pupungas-pungas na saad ng panganay na anak. " Mga anak makinig kayo..iligtas niyo ang inyo sarili..." "Bakit po ina? Ano po nangyayari?"nag-aalala saad ng panganay na si Adeline. Puno nang pagmamahal na hinaplos ng ina ang kanya dalawa anak na babae. "Tandaan niyo mahal na mahal ko kayo!" "Julieta! Lumabas kayo diyan! Mga mangkukulam!" sigaw ng isang galit na lalaki. "Ano po yun ina?!" "Sige na! Sa likod ng bahay kayo dumaan ng kapatid mo,mag-iingat kayo.." "Paano po kayo ina?" "Haharapin ko sila,ako lamang ang pakay nila..huwag kayo susunod sakin.."buo tapang na tugon nito sa anak. "Ina!!" Mahigpit na nagyakap ang mag kapatid. Nanginginig na sa takot ang kanya bunso kapatid na si Camille. "Ate Adeline,ano po ba nangyayari?"naiiyak na nito saad. Nilakasan niya ang loob para sa nakakabatang kapatid. Alam niya kung ano nangyayari. Hindi madali sa kanila na hinuhusgahan ng mga tao. Ang pagtira nila sa gitna ng kagubatan ay hindi nila kagustuhan. Tinulak sila ng mga tao dahiL iniisip ng lahat ay isang magkukulam ang kanya ina. Pati sila ng kanya kapatid ay hinusgahan na din na anak sila ng demonyo. Napasinghap ang magkapatid nang bigla na lamang sumiklab ang kanila munting kubo. "Si ina?!!" Huli na para sundan nila ang kanila ina dahil mula sa labas ay malakas nila naririnig ang sigaw ng kanila ina na iligtas nila ang kani-kanila mga sarili. Umiiyak na hinila niya ang nakababatang kapatid sa kagustuhan nito puntahan ang kanila ina. "Hayun ang mga anak ng demonyo!!!" malakas na sigaw ng isang lalaki na may dalang sulo. Puno nang takot na hinila niya ang kapatid sa masukal na kakahuyan. "Ina!!!" humahagulhol na saad ng kapatid. "Halika na! Hindi nila tayo pwede maabutan!"humahangos na saad ni Adeline sa kapatid. Naririnig niya ang mabilis na paghabol sa kanila ng mga tao. Hindi nila alintana ang mga sanga na tumatama sa kanila. Walang mahalaga sa kanila ngayon kundi ang iligtas nila ang sarili. Ina...piping usal ni Adeline. " Ate!!"sigaw ng kapatid nang matisod ito sa malaking ugat. Napakadilim ng paligid. Bigla gumuhit ang kidlat sa kalangitan. Mabilis na tinulungan niya itayo ang kapatid. "Nandun sila!" Bumuhos na ang ulan at akay-akay niya ang kapatid na hindi na makalakad ng maayos. "A-ate..natatakot na ko. Si ina,hindi natin siya dapat iniwan.." umiiyak na saad nito. "Huwag ka mag-alala...babalikan natin si ina kapag nakalayo na tayo sa mga tao.." "Bakit nila tayo gusto saktan?" Tumulo ang mainit na luha sa kanya mga mata. Pareho na din sila basang-basa ng ulan sa gitna ng kagubatan. "Hindi ko alam.." pagsisinungalin niya sa kapatid. "Hayun ang mga anak ng demonyo!" Binalot na siya ng takot nang matanto na maabutan na sila ng mga ito. Pilit niya inakay ang kapatid . Ngunit marahil itinakda nga siguro na magkahiwa-hiwalay sila mag-anak. Sa lakas ng ulan at sa dilim ng paligid hindi nila napansin na nasa dulo na sila ng bangin at pareho sila nahulog ng nakababatang-kapatid. Ang malamig na tubig mula sa baba ang nagligtas sa kanya buhay kung bakit humihinga pa siya. Ina... Camille...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD