Napamulat ng mga mata si Zei at bahagya na napabangon sa hinihimlayan niyang malaking sanga mula sa itaas ng puno. Hinihintay niya roon ang paglubog ng araw mula sa dakong paroon. Tahimik na nanginginain ang kabayo si Oste sa ibabang bahagi ng puno kung saan niya ito itinali. May ibang presensya siya nararamdaman hindi kalayuan sa kinaroroonan niya. Umupo siya sa sanga at hinanap ng matalas niya paningin ang kinaroroonan ng presensya iyun. Imposible na may makapasok sa black forest. Hindi naman kaya may naligaw na hayop lang. Napakislot siya nang may mamataan siya isang bulto na may kalayuan sa kanya. Isang bulto ng babae yun. Nakatalikod ito sa kanya pero nakalaglag ang itim na itim na tuwid na mahabang buhok nito. Napangisi siya. Nakakamangha na may isang istranghera ang nakalu

