Labing-anim na araw na lang ang natitira sa araw ng binata bago ito umalis. Habang nauubos ang araw niyun nararamdaman na niya ang lungkot at pangungulila sa binata kahit hindi pa man ito umaalis. Minarkahan niya muli ang kalendaryo para sa umagang iyun. Alam mo Adeline ,imbes na isipin mo ang taning ng araw na nalalabi na makakasama mo siya bakit hindi mo na lang samantalahin? Para may mga masasaya alaala ka mula sa kanya. Suhestyon ng kanya isip. Agad na natauhan ang dalaga roon. Tama ,bakit hindi na lang iyun ang gawin niya kaysa magmukmok siya? Sabi nga nila kung nabibilang na ang araw mo sa mundo ito kailangan sulitin muna ang oras para wala pagsisisi sa huli. Bago pa man sila makaalis ni Camille at Lolo Anding patungo sa kaingin para anihin ang mga okra at kamatis ay dumating

