"You can call me Declan." Nakangiting pakilala ng isa pa sa lalaking mas malapit sa amin. Siya lang ang mukhang Pinoy sa kanilang tatlo. Pero gwapo rin. Aba, napapaligiran pala ng mga poging kuya si Dexon kaya lang hindi pa rin magbabago ang preference ko, mas g'wapo syempre ang mga oppa ko lalo na ang ultimate crush ko na si Lee Min Ho at Song Joong-ki. "Ah, ako po si Aubrey. Magiging asawa po nang tatay ni Kuya Dexon ang mama ko mamayang gabi kaya magiging kuya ko na siya," nakangiting pakilala ko sa kanilang lahat para mawala ang masamang hinala nila sa amin ng lalaking katabi ko. "Kuya?" halos sabay-sabay na tanong ng tatlo na tumingin sa amin kaya tumango ako. Ramdam ko naman na napa-upo ng tuwid si Dexon sa tabi ko na mas humigpit ang pagkaka-akbay sa balikat ko kaya halos maputo

