"Happy birthday!" Sabay-sabay na bati namin sa triplets. Ngayon ang limang taong kaarawan nila. Sa isang expensive yacht idinaos namin ang kanilang birthday. Kami lang mag-pamilya ang nasa yate ngayon kasama sina Gabriel at Sophia. Maliban kina Ate Genesis na hindi nakadalo dahil nagkataon na may out of town silang mag-pamilya ngayon. Isang buwan na rin ang nakalipas mula nang mangyari ang aksidente ni Sam na muntikan na siyang masagasaan. Ang babaeng sumagip sa kanya ay ligtas na. Hanggang ngayon hindi pa rin matukoy ng mga authority ang plate number ng kotse. Naghihintay ako sa resulta. "Blow your candles..." Natutuwang saad ni Daddy sa tatlo, halata sa hitsura nito na masayang masaya. Sabay-sabay na hinipan ng tatlong bata ang mga kandila. Tuwang-tuwa rin ang mga ito sa regalong na

