Aila LUMUNOK ako nang hindi niya ako sagutin sa 'king itinanong. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya, pero malinaw sa 'king mga mata na tila napabayaan nito ang kanyang sarili. Sa anong dahilan? Mayroon akong ideya kung bakit siya nagkakaganito. Pero ayokong mag-assume na tama nga ang nasa isip ko. Bumuga ako nang hangin nang makaramdam ng kakaiba mula sa 'king dibdib. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, dahil habang nakatingin ako sa kanya'y para bang panandaliang nalulusaw ang galit na nararamdaman ko laban sa kanya, at ang tanging naiiwan dito'y awa. Awa, dahil bakas sa kanyang itsura na hindi biro ang sitwasyon na kinakaharap niya ngayon. Awa, sapagkat ngayon ko lamang siya nakitang ganito. Tila isang ibon na nabalian ng pakpak, at hindi alam kung kailan muli ma

