Aila "Yes, Ate. We just got off the plane." I pushed the cart with the luggage while I talked to Ate Irieth on the phone. "I'm sorry, hindi ko nasagot ang tawag mo kanina. Ang dami kasing need dito sa airport, nakaka-stress na talaga." I took a deep breath then looked away. "It's okay. Naghihintay na kami ng Kuya Keen mo sa inyo. Anytime, darating na rin diyan si Kuya Dale mo. Siya ang magsusundo sa inyo." Mabilis na nagsalubong ang mga kilay ko. "Ate?" Sandaling tumahimik ang kabilang linya. "What?" she asked. "Bakit kay Kuya Dale pa? Ang dami-dami namang mauutusan na iba—" "Aila, busy ang lahat. Saka hindi tayo pwedeng mag-utos nang gano'n lang lalo't nandito sina Mommy. Kailangan nating mag-ingat. Gusto mo sila ma-surprise 'di ba?" Napaisip ako sa sinabi niya. "Pero, Ate,

