Chapter 1

1534 Words
3rd Person's POV "Kuya Calter!"  "Are you okay? Bakit nakasimangot ka na naman d'yan, Kuya?" "I'm here for Ate Irieth." "Hatid? Wala ka bang ibang ginagawa? Okay lang naman ako, eh. May dala akong sasakyan. Kasama mo ba si Kuya Keen kanina?" "Eh, ano ba'ng gusto mo na itawag ko sa 'yo? You're really older than me, kaya dapat lang kita tawagin na Kuya." "Hindi ako pwede, eh. Kailangan ako ng pamangkin ko." "Yeah! Mikell needs me, Kuya Calter.” "Okay, fine. Fine! If that's what you want, sure! 'Yan na lang ang itatawag ko sa 'yo." "Pero, Calter— alam mong mali 'to." "Oo, mahal din kita. But what about me? Paano ang boyfriend ko?" "Natatakot ako . . ." "Zaina? Anong ginagawa—" "Hindi ko siya mahal. At ayokong malaman ng pamilya ko ang tungkol sa kanya, Calter." "Please, help me to get rid of him . . .” "Calter?" "P-paano— paano mo 'to nagawa sa 'kin?"  "Niloko mo 'ko?"  "Bitawan mo 'ko, manloloko ka! Nagtiwala ako sa 'yo, pero ginamit mo lang ako! Ginamit mo ako! Wala kang kwenta!" "Huwag ka nang magsinungaling!" "Ayoko, ayoko na!" "Pagbabayaran mo 'to— magbabayad kayo!" "Calter, help!" "Calter, tulungan mo' ko, tulungan mo 'ko, Calter!!!" "AILA!" humahangos na sigaw ni Calter. He awoke from his deep sleep, gasping for breath with nervousness and fear. Horrible dream again. Iyon ang unang sumagi sa kanyang isipan. Ang totoo, ay hindi lamang iyon basta-basta isang panaginip, kundi kakila-kilabot na bangungot.  Hanggang kailan ba 'ko magiging ganito? Hanggang kailan 'to mangyayari sa akin? Kailan ko ba mararanasang gumising nang hindi sumisingap nang dahil sa masamang panaginip na 'yon . . . damn it! usal nito sa kanyang sarili. Napabuga siya nang hangin dahil sa biglaang pagbigat nang pakiramdam niya. Pagkatapos ay mabilis itong tumayo mula sa kanyang higaan, saka dumiretso sa kusina.  Dahan-dahan, ay nagsalin siya ng tubig sa isang baso matapos nitong makakuha nang maiinom. Muli, ay napabuga siya nang hangin matapos iyon maubos. Pakiramdam niya ay hindi nababawasan ang bigat ng kanyang dibdib, tila may kung anong nakadagan mula roon. Kakaiba ang nararamdaman niya, para bang nauubusan siya ng tubig mula sa kanyang katawan dahil sa bangungot na kailanman ay hindi na siya tinantanan.  F*ck! he cursed.  Calter took a deep breath several times, then leaned close to the sink. Madalas ay ganito ito. Balisa, tila laging wala sa kanyang sarili, at para bang hindi nito alam kung ano ang tamang gagawin.  Nagsimula iyon nang mawala si Aila sa buhay niya. Araw-araw, ay tila pinapatay siya. Hindi na nito maintindihan ang kanyang sarili, dahil kahit mahigit isang taon na ang nakalilipas buhat nang mawala ang babaeng mahal niya, ay hindi pa rin ito matahimik. Hindi pa rin siya masanay-sanay. Hindi niya matanggap ang sinapit ng kanilang pag-iibigan. Hindi siya magkaroon ng kapayapaan, dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ito makapaniwala. Ayaw niyang maniwala na wala na talaga ang babaeng pinakamamahal niya, ayaw niyang isipin na hindi na ito babalik sa kanya. Umaasa pa ito na isang araw, ay babalik at magpapakitang muli sa kanya ang kaisa-isang babae na kanyang minahal. Hindi ni Calter lubos na maunawaan ang kanyang sarili, lalo nang makaramdam ito nang panghihina. Ganito siya, sa tuwing maiisip ang mga naging tagpo sa pagitan nila ni Aila, bago nangyari ang trahedyang nakapagbago ng kanyang buhay.  Inis nitong hinilamos ang dalawang palad sa kanyang mukha. “Bakit ba 'ko nahihirapan nang ganito? Damn it!” muli niyang usal sa sarili. Napabuga siya nang hangin, kahit para bang nanghihina ay pinilit pa rin nito ang maglakad pabalik sa kwarto niya. Nang makapasok ay mabilis niyang kinuha ang kanyang cellphone mula sa ibabaw ng drawer nito, saka nag-dial. "Good morning, Sir," magalang na bati ng sekretarya nito sa kanya, nang sagutin ang tawag niya. "Any update?" bungad niya roon. Napatikhim ang secretary nito mula sa kabilang linya, nang tila ma-gets ang tinatanong ng kanyang boss sa kanya. "I have found a new private investigator, Sir. He already knew what he was going to do. Tatawag daw po siya agad, once he gets information about doon sa pinatatrabaho niyo—" Agad nitong pinutol ang sinasabi ng kanyang sekretarya. "How long should I wait? Tell me,” seryoso niyang sambit. “I— ipa-follow-up ko maya’t maya, Sir. I’ll take this responsibility. Trust me,” buong loob na tugon ng kanyang sekretarya sa kanya. “Thank you." Agad na pinutol ni Calter ang tawag nang makapagpasalamat sa sekretarya niya. Muli, ay napahinga ito nang malalim matapos mailapag ang phone niya sa pinagkuhanan nito kanina. Nang tuluyan ‘yong maibaba ay bigla na naman itong natahimik— ramdam niya na tila may gumuguhit na kirot mula sa kanyang dibdib, dahil muli nitong naalala ang napanaginipan kanina. Calter has a brave personality. Wherever he treads or whoever he encounters he seems to care nothing around. Lumaki siya na hindi dumidipende sa kahit na sino man, not even his relatives or his mother. At nagsimula iyon nang mawala ang kanyang ama sa buhay nila.  Kailanman ay hindi na kinausap ni Calter ang kanyang ina, simula nang mamatay ang ama nito. He couldn't accept since he found out that his mother had been cheating on his father for a long time. Nakumpirma niya pa iyon, nang malaman niyang mayroon siyang kapatid na babae sa kanyang ina, na halos hindi nalalayo sa edad ng babaeng mahal niya. Inilayo ni Calter ang kanyang loob sa kanyang natitirang magulang, maging sa bagong pamilya nito. Ang ina at pamilya kasi niya ang sinisisi nito sa biglaang pagkawala ng kanyang ama. Mayroon siyang naging kasintahan noon, nang makapagtapos sa kolehiyo. Anak iyon nang isa sa kalaban sa negosyo ng bagong asawa ng kanyang ina. Kailanman, ay hindi niya iyon minahal. Hindi man niya nais na makapanakit ng damdamin ng iba, pero iyon lamang ang nakita at naisip niyang paraan upang bigyan nang pasakit ang kanyang ina. Sapagkat ang pamilya ng dalagang ‘yon ang pinaka matinding kakompetensya ng asawa ng kanyang ina sa negosyo. Nais niya ang makaganti sa mga ito, para sa kanyang ama. Bukod kay Aila, ay wala nang ibang babae na minahal si Calter. Pinangako niya sa kanyang sarili na ito lamang ang mamahalin niya kahit pa gumapang siya sa hirap, mapasagot lamang ito. Gano’n siya kaseryoso mula sa kanyang nararamdaman para kay Aila, nakahanda siyang gawin ang lahat makuha lang ang babaeng mahal na mahal niya. Tulad ng kanyang inaasahan, ay hindi naging madali ang lahat upang makuha ang ninanais ng puso nito. Aminado si Calter sa kanyang sarili, na nahirapan siya kay Aila, dahil bukod sa kuya lamang ang tingin nito sa kanya, ay natuklasan pa niya na mayroon itong ibang kasintahan— na pilit inililihim at tinatago mula sa pamilya nito. Hindi iyon naging dahilan upang tumigil siya na mahalin si Aila. Dahil simula nang malaman niyang meron na pala itong kasintahan, ay nag-hire siya ng taong magbabantay para rito. Ginawa niya iyon upang maprotektahan si Aila, dahil wala siyang tiwala sa lalaking pinagkatiwalaan ng babaeng mahal niya. Kailanman, ay hindi pinanghinaan ng loob si Calter. Hindi niya sinuko ang nararamdaman niya para sa kapatid ng asawa ng kanyang matalik na kaibigan. Confident siya na hindi magtatagal ay maghihiwalay rin ang dalawa, sapagkat iba ang kanyang nararamdaman sa relasyon na mayroon ang mga ito. Dumating ang araw, na para bang pilit silang pinagtatagpo ng tadhana. Wala siyang sinayang na oras at panahon, mayroon man itong pagkatorpe pagdating kay Aila, ay pilit niya ‘yong pinaglabanan. Naging madalas ang pagtapak niya sa kumpanya ng mga Devara— kapatid kasi ng babaeng mahal niya ang asawa ni Keen Devara, na isa sa matalik niyang mga kaibigan. Una niyang nakita si Aila sa building na iyon— sa KDV's group of companies. Hindi niya maipaliwanag ang biglaan na naramdaman niya para sa dalaga, sapagkat ang alam nito sa kanyang sarili ay wala siyang pakialam sa mga babae, dahil galit siya sa kanyang ina simula nang ipagpalit ang kanyang ama sa mas mayaman na businessman. Nag-iba ang tingin niya sa mga babae noon, para sa kanya ay pare-pareho lamang ang mga ito. Pero, nagbago ang kanyang perspektibo nang makilala nito si Aila Zotore. Hindi niya maintindihan, basta’t sinunod na lamang niya ang kanyang nararamdaman hanggang sa magkaroon siya ng pagkakataon na makapasok sa buhay ng babaeng kanyang napupusuan. Kahit mali ay pinilit niya— pinilit nila nang aminin ni Aila sa kanya na mahal na rin siya nito.  Hindi niya pinabayaan ang babaeng kanyang mahal. Pilit niyang ipinaglaban ang nararamdaman niya para sa dalaga. Naging masaya silang dalawa. Kahit patago, ay alam nila na iyon ay bunga nang tunay na pag-iibigan nila para sa isa’t isa.  Ngunit, sa pag-ibig ay hindi na yata talaga maaring maging masaya, hanggang hindi makararanas ng pagkalumbay at kapighatian, sapagkat ito ay kakambal na nang pagmamahal para sa iisang taong laman ng ating puso. Calter almost gave up in grief— nasira ang lahat. Lahat-lahat, nang subukin ang kanilang pag-iibigan ni Aila. Oo, naging malupit ang tadhana laban sa kanilang dalawa. At wala na siyang nagawa pa, upang iligtas ang kanyang minamahal na babae mula sa trahedya na nagpabago muli ng kanyang pananaw sa buhay pag-ibig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD