Aila "GUSTO KO SANANG MAGPAHINGA, ATE. MAY KAILANGAN KA BA?" Ayoko man 'yong sabihin sa kanya, ngunit kailangan kong umiwas. Ayokong umasa kahit na kanino, gusto kong mahanap ang anak ko nang hindi nila nalalaman ang naging problema ko. "Yes, meron sana." Natigilan akong muli dahil sa kanyang tinugon. Huminga ako nang malalim, saka nagtitimping sumagot sa kanya, "What is it?" Napalunok ako nang marinig ang malalim niyang paghinga. "I need you. Mamayang gabi sa company ng Kuya Keen mo. Sorry, alam ko na makakaabala ako sa 'yo. Pero pangako, last na ito. Kailangan lang kasi talaga, eh—" "Ate," putol ko sa kanyang sinasabi. "Ngayon lang din ako tatanggi. Please? Pwede ba na sa ibang araw na lang?" "Aila, hindi pwede. Ngayon kasi darating 'yung mga kausap naming investors. Maging mga

