Nandito kami ngayon sa sasakyan ni Elainne at nagmamadaling pumunta sa private plane nila. "P-Paano mo nasabi na nasa danger si Sean ngayon?" Patuloy pa rin sa pagda-drive si Elainne. s**t s**t s**t! Kinakabahan ako. Kung nasa danger nga siya, malamang sa malamang ay may mangyaring hindi maganda sa kanya! Hindi ko kaya 'yon... Ang sabi niya babalikan niya pa ako. Pinangako niya iyon... Hindi ako believer ng promises are meant to be broken kaya naniniwala ako kay Sean. Nagtitiwala ako kay Lord na ayos lang si Sean. She sighed. "B-because of my Mom." Pumikit siya nang madiin at pagkadilat niya ay may bumagsak na luha sa mata niya. Ano ba naman 'tong si Elainne eh! Madali akong maiyak kapag may nakikita akong umiiyak. But what did she means? "Because of your Mom? Why? How?" Naguguluhan a

