Umuwi ako sa apartment ko at nahiga saglit. Hay! Sasama ba ako kay Seanto-Seanto o hindi? Baka naman kasi ginugood time lang ako noon, e.
Pero ilang minuto ang lumipas, tumayo na ako at nagsimulang mag-impake. Letse. Sasama talaga ako kay President? I can't believe it. Huminga ako ng malalim. Sana tamang landas 'tong pinasok ko. Nilinis ko muna 'yung buong bahay, ilang taon rin kasi akong nakatira rito kaya sobrang malapit na sa akin 'tong bahay na ito. Ito 'yung nakasaksi kapag umiiyak ako dahil nami-miss ko 'yung parents ko o kaya kapag kinikilig ako dahil sa mga crush ko na hindi ko maintindihan ngayon kung ba't ko sila naging crush.
Dinala ko na ang backpack ko at maleta. Lumabas na ako ng pintuan ng apartment at nilock 'yun. Bago ako umalis pumunta muna ako sa landlady para ibigay 'yung susi ng bahay at magpaalam. Mamimiss ko iyong mga kapitbahay ko rito na lagi akong binibigyan ng ulam o kaya naman 'yung handa kapag may birthday, lalo na 'yung pancit na kulang pa sa sahog 'tsaka wala man lang pa-coke.
Dumiretso ako sa napagkasunduan na lugar namin ni President. Pagkadating ko roon ay nandoon na siya kasama ang BMW na kotse niya. Feeling cool, mukhang tae naman. Kahit kailan talaga hindi ako magiging fan ng president na ito. Sa pagkakaalam ko, may fan page na 'tong Seanto-Seanto na ito e, pero syempre hindi ko nilike. At kung magiging vlogger man siya, ako ang unang-unang magd-dislike noon.
Kauna-unahan yata ako sa pila ng mga basher nitong si President. O baka ako lang ang nakapila. Pero if I know, marami talaga 'tong basher, mga sipsip lang 'yung estudyante sa S.U. at takot na takot sila sa Seanto-Seanto na 'to kaya fan forever sila.
"Mr. President!" Tawag ko rito. Lumingon naman siya sa akin. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.
"Let's go" sabi niya at nauna pa sa aking pumasok sa kotse. Napairap ako. Grabe ha? Napaka gentleman. Gentledog ng powta! Ano pa bang aasahan natin sa isang Sean Montecillo? Feeling famous, amp. Pero sige, famous naman talaga siya. E 'di siya na.
Sumakay na ako sa kotse niya at inilagay sa likod 'yung mga gamit ko.
Maya-maya pa ay nakarating na kami sa bahay niya. Ang laki. At ang ganda. Mapapanganga ka na lang. Pagpasok mo pa lang ay sasalubungin ka na ng mga halaman at bulaklak. Ang sarap naman mag-inhale at exhale dito. Fresh air.
"Sino kasama mo rito?" Tanong ko. Nakakapagtaka kasi. 'Tsaka kakapalan ko na mukha ko sa pagtatanong. Teka... para namang mahiyain ako rati.
"Maids?" Sabi niya na hindi tumitingin sa 'kin. Katulong lang kasama niya rito sa napakalaking bahay na ito?
"Where are your parents?" Hinabol ko siya. Ang bilis maglakad e.
"Dead" tipid niyang sagot at binuksan 'yung pintuan. Halos lumuwa ang mata ko sa nakita. Oh, my gosh! Ang ganda ng loob ng bahay niya. Well, sa labas din naman. May red carpet pa tapos may mga nakasabit na paintings sa dingding. Tapos may mga babasaging vase at may chandelier pa. Tapos sa pinakasala noong bahay ay may malaking frame. Family picture. Apat sila rito. Mommy niya yata, daddy, siya at isa pang lalaki, na mukhang mas matanda sa kanya. Hula ko ay kapatid niya iyon.
"May kapatid ka?" Tumingin ako sa kanya.
"Yata." Sabi niya at dumiretso sa isang kwarto. Yata? What did he means by yata? Umupo ako sa isang sofa. Pinagmasdan ko ng tahimik 'yung bahay. Halos mapatalon ako sa gulat nang may lumitaw na pusa.
Napahawak ako sa dibdib ko. "Taeng pusa 'to, aatakihin pa yata ako." May narinig akong tumawa kaya napatingin ako sa likuran ko. Nakita ko si Sean. First time ko siyang marinig na tumawa. Pero sumeryoso rin agad 'yung muka niya. Ang duga talaga.
"Come here, dear..." Tawag niya sa pusa at naglakad naman ito papunta sa gawi niya. Dear? Arabo ba siya? Pero in fairness sa pusang 'to, may puting kwintas pa. Sosyal naman nito. Ginto ba 'yung pendant niyan? Manakaw nga at maibenta. Binuhat ni Sean 'yung pusa at hinaplos-haplos yung balahibo.
"...sundan mo ako..." sabi niya kaya kinuha ko 'yung backpack at maleta ko. Umakyat kami sa hagdan at pumuntang second floor. Sa pangalawang pinto ay pumasok kami.
"This is your room, okay?" Tumango ako. "The first door was my room. So if you need something, just knock and tell me, alright?" I nodded. Lumabas na siya ng kwarto at naiwan ako rito sa loob.
Ang ganda naman ng kwarto ko. May kama, may sofa pa, may flat screen na TV rin at may malaking kurtina na nakatakip sa malaking bintana. Mula rito sa bintana ay kitang-kita mo ang garden ng bahay ni Sean. Ang swerte pala ni President kasi ang yaman niya, mahirap lang kasi ako e. Pero kahit na ganoon, hindi kaya siya nalulungkot? Mag-isa lang kasi siya rito. Naalala ko tuloy 'yung sabi ng Mama ko rati na karamihan daw sa mayayaman ay malulungkot.
Pero malungkot din naman kapag walang pera 'di ba?
Nilagay ko sa gilid ang backpack at maleta ko. Humiga muna ako sa malambot na kama na pink ang bedsheet. Napangiti ako. Mukhang bago ako dumating dito ay inayos niya pa ang kwarto ko. Wala kasing kaali-alikabok e. Nako Seanto-Seanto, mabait ka naman pala. Mukhang, najudge lang kita agad.