MASAYA ang awra ko habang naglilinis sa loob ng kuwarto ng binata. Hindi ko maitago ang kilig sa magandang mukha ko at tulad ng dati, naliligo si Bradley habang naririto ako sa loob ng kuwarto nito. Inihanda ko na rin ang isusuot nito. Sa t'wing dadampot ako ng brief nito, talagang hindi ko maiwasang pamulahan ng mukha! May minsan pang napapahagighik ako at inaamoy ko iyon! NANG bigla akong mapalingon ng makarinig ng mga yabag. Hindi ko maiwasang mapakunot-noo? Imposible namang si Manang Glenda ang papasok sa loob ng kuwarto ni Bradley? Ang pagkakaalam ko, walang karapatan ang sinoman sa amin na basta-basta na lang papasok ng walang pahintulot ang binata? Akmang ihahakbang ko ang mga paa upang tingnan ang nasa labas ng kuwarto ni Bradley ng sabay pa kaming natigilan nang mapahinto

