"MAGANDANG umaga.." bigkas ko sa mga kawaksing abala sa loob ng kusina. Sabay-sabay naman silang napalingon sa gawi ko. "Magandang umaga, Ma'am Nhikira.." ang nakangiting bigkas ng mga ito. Kitang-kita ko ang saya sa mukha nila. Lalo na sina Aling Magda at Aling Darlene na kaagad akong nilapitan. Pansin ko nga na nag-aalangan ang mga ito sa akin, kaya naman ako na mismo ang yumakap sa dalawang matanda. Sila kasi ang kalapit ko noong nandito pa ako bilang isang kawaksi. "Namiss ko ho kayo.." matamis ang ngiting pinakawalan ko. Maluha-luha naman si Aling Magda. Hinawakan pa ang dalawang kamay ko. "Sobrang namiss kita hija -este, Ma'am--" Nang kaagad akong umiling. Ipinakita ko pa nga na para akong nagtatampo. "Kung ano ang trato niyo sa akin no'n, ganoon pa rin ngayon, Aling Magda.

