KABANATA 1 (SIMULA) [Princess Nhikira]

1521 Words
UNITED STATES.. Nakangiti pa siya habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin. "Kahit naman mataba ako, maganda pa rin naman ako!" pagkakausap ko sa sarili. Pinahaba ko rin ang nguso ko at nagpa-cute pa sa harapan ng salamin. Umikot-ikot pa ako habang may matamis na ngiti sa mga labi. "Isa yata akong prinsesa!" Hanggang sa napalingon ako ng bumukas ang pinto ng kuwarto ko. "Nanny!" Nakangiting tinakbo ko ito at niyakap. Napapailing na napapangiti naman ito sa 'kin. "Dalagang-dalaga ka na, kumikilos ka pa rin na parang bata!" wika nito sa akin. Kandahaba na naman ang nguso ko. Iniyakap ko pa ang kamay ko sa braso nito. "Paano ka maliligawan niyan kung ganiyan ka kumilos-kilos, Princess?" tanong nito sa akin. Hinaplos pa nito ang mahabang buhok ko na umabot na hanggang p'wetan ko. Umupo naman ako sa ibabaw ng kama. "Hindi rin naman ako interesado, nanny. Wala nga akong nagugustuhan e!" sagot ko. Isang buntong hininga ang pinakawalan nito. Tinitigan din nito ang mukha ko. "Sa ngayon, wala. Pero natitiyak kung darating ang araw na may magugustuhan ka." Kumibot ang labi ko. "Saka ko na 'yan iisipin, nanny. Sa ngayon, ako pa rin ang batang lagi mong inaalagaan!" Nagpabebe pa ako sa harapan nito. Natawa na lang ito ng mahina. Pinisil pa ang pisngi ko na ikinasimangot ko. "Nanny naman e!" Kandahaba ang nguso ko. Lalo itong natawa. Alam kasi nitong ayaw na ayaw kong kinukurot ang pisngi ko. Paano ba naman ang sakit-sakit! Parang siopao kasi ang mukha ko e! Sa taba ko ba naman! "Halika na nga. Nakahanda na ang almusal mo." Nakangiti naman akong tumayo at muling ipinulupot ang kamay sa braso nito. "Mamaya, punta tayo ng museum, nanny!" Isang tango ang pinakawalan nito. "Masusunod mahal na prinsesa!" nakangiting wika nito na ikinabusangot ko. Napakamot pa ako sa sariling kilay. "Hindi naman ako tunay na prinsesa e! Ayokong tinatawag mo 'kong mahal na--" "Pero isa kang prinsesa sa angkan ng mga Priscela. Ikaw ang totoong tagapagmana--" Bigla akong napahikab na ikinahinto nito. Ganitong-ganito ang ginagawa ko sa t'wing ayokong pinag-uusapan ang mga bagay na iyon. Isang buntong hininga ang pinakawalan nito. Alam nitong 'di rin ako nito mapipilit. "Magandang umaga, Senorita Princess!" bati ng ilang kawaksi. "Magandang umaga po sainyo!" nakangiting wika ko. HABANG kumakain. "Ayaw mo ba talaga akong sabayan, nanny?" tanong ko rito. Nakangiti itong umiling. Nasa isang tabi naman ang ilang kawaksi. Habang ito naman nakaupo sa tabi ko at pinagsisilbihan nito. Nilagyan nito ng malamig na tubig ang baso ko. Nilagyan din nito ng ulam ang pinggan ko. Hindi ko nga maintindihan kung bakit ayaw nila akong pakilusin kahit sa maliit na bagay. Kahit kasi sa pagligo ko, nakaalalay sila? Kahit sa pagbibihis ko? Lahat yata, sila ang kumikilos e! Daig ko pa talagang isang tunay na Prinsesa sa palasyo! Kung bakit kahit dito sa United States kung saan ko naisipang magbakasyon, marami pa ring tagasilbi. Akala ko nga, kami lang ni nanny e. Kahit sa tuwing lumalabas ako, may ilang bodyguards din ang nakabuntot sa akin. 'Di nga lang halata at pinakiusapan ko pa ang mga ito na dumistansya sa akin kahit kaunti. Sumunod naman ang mga ito lalo na't wala naman sila mommy't daddy dito. Pansamantalang ako ang boss nila rito sa United States. "Ayaw mo bang magpapayat, Princess?" Muntik na akong mabilaukan sa tanong ni nanny. Tiningnan ko ito. Bahagya itong ngumiti. "Hindi mo na ba ako love, nanny dahil mataba ako?" nakasimangot na tanong ko sa yaya ko. Hinaplos nito ang mahabang buhok ko. "Kahit magmukha ka pang balyena, hindi mababawasan ang pagmamahal ko para sa iyo, Princess Nhikira. Nag-aalala lang ako." Kumunot ang noo ko. "Bakit naman po kayo mag-aalala sa akin?" Mahina itong napabuntong hininga. "Tapusin mo na lang ang kinakain mo. May pupuntahan pa tayo hindi ba?" Sabay ngiti nito. Kumibot ang labi ko. MUSEUM Namamangha ako habang pinagmamasdan ang buong paligid. Tahimik din akong kumukuha ng litrato. Laking pasalamat ko nga at hindi naman ipinagbabawal ang pagkuha ng litrato. May ilang bagay lang na hindi maaaring kuhaan ng litrato. Ramdam kong nasa paligid ko lang ang ilang bodyguards na kasa-kasama ko. Nasa likuran ko rin ang mahal kong nanny. "Ang gaganda, nanny!" wika ko rito. Tumango ito habang may ngiti sa labi. Oras din ang inilagi namin sa loob. Sinikap ko talagang makita ang lahat ng nasa loob ng museum. Nakangiti pa akong pinagmamasdan ang mga kuha kong litrato. "Tara, nanny. Sa kabilang--!" Isang malakas na singhap ang kumawala sa labi ko ng bigla akong sumalpok sa matigas na bagay. Mariin akong napapikit habang hinihintay na lumagapak sa sahig. Ngunit wala akong maramdaman. Hanggang sa dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. "Are you okay?" baritonong bigkas ng lalaking nakahawak sa baywang ko. Para akong tanga na napaawang ang mga labi habang napakurap-kurap ang mga mata! Napalunok din ako ng maramdaman ang pagbilis ng t***k ng puso ko! Sandaling naghinang ang mga mata namin. Namula pa ang magkabilaang pisngi ko ng mapansin kong napatitig ito sa mga labi ko. "I'm sorry, I was in a hurry and didn't notice you. Are you okay? Did you get hurt?" sunod-sunod na tanong nito bago ako inalalayang makatayo ng tuwid. At dahil sa paghangang naramdaman para dito, hindi ako kaagad nakapagsalita. Muli ko na namang pinagmasdan ang guwapong mukha nito. Para pa nga akong tanga na napakagat-labi sa harapan nito! Pakiramdam ko tuloy, ang harot-harot kung babae! Hindi ko naman nga sinasadyang mapakagat-labi sa harapan nito. Kusa na lang gumalaw ang bibig ko! Lalong nabaliw ang t***k ng puso ko ng bumaba ang paningin nito sa mga labi ko. 'Di nakaligtas sa akin ang paglunok nito. "I-im okay.." mahinang wika ko. Tumingin ito sa mamahaling relo nito. "I have to go. I'm sorry again." Napalunok ako ng sandali ako nitong titigan bago ito tumalikod. Akmang pipigilan ko ito ng may humawak sa braso ko. Bigla akong napalingon. Si nanny. Umiling ito. "Hindi natin siya kilala. Lagi mong tatandaang isa kang Priscela," bulong nito sa akin. Bigla tuloy napakunot ang noo ko. Ngunit mas pinili ko na lang ang manahimik. Sinulyapan ko ang isang bodyguard at sinenyasan ito. Isang tango naman ang isinagot nito sa akin bago sinundan nang palihim ang stranghero. Bigla akong napakagat-labi. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nagkainteres sa stranghero na iyon. Ramdam ko pa rin ang lakas ng t***k ng puso ko! Buong buhay ko, ngayon lang ako humanga sa isang lalake. At talagang sa may lahi pa? Lihim akong natawa. Ramdam ko ang pang-iinit ng pisngi ko habang naaalala ang pagtama ng mga mata namin ng stranghero. Sa sobrang guwapo nito, para akong tanga na natulala na lang dito. Ni hindi ko naisip na ang bigat-bigat ko pala dahil sa katawan ko. Bigla kong natakpan ang sariling mukha ng mga palad ko. Nahihiya ako sa isiping naagapan pa rin nito ang katawan ko sa kabila ng katabaan ko. Ano kayang nasa isip ng lalaking iyon? Na ang bigat-bigat kong babae? Na ang taba-taba ko? Na mukha akong balyena? Bigla akong nalungkot. Nawalan yata ako ng confidence sa sariling katawan nang dahil sa lalaking iyon. Parang gusto ko tuloy magpapayat! Pero paano ko iyon gagawin? Food is life pa naman ako! Maya't maya yata akong kumakain! Lalo na ang ice cream na talagang isa sa mga paborito ko! Kaya nga may sarili akong mini ref sa kuwarto ko e. Bigla na lang humaba ang nguso ko. Napaisip tuloy ako kung may lalaki bang magmamahal sa akin sa kabila ng katawan na mayroon ako ngayon? "Sinong iniiisip mo, Princess?" Bigla akong napalingon. Nawala sa isip ko na kasama ko pala si nanny. "Iyong stranghero," pag-amin ko. Tinitigan ako nito. Bigla naman akong napangiti. "Type ko siya, nanny!" bulong ko rito. Nanlaki ang mga mata nito. Gulat din ang rumihistro sa mukha nito. "Princess, hindi natin siya--" "I know, nanny." Sumimangot ako. "Masisisi mo ba ako kung siya ang pinili ng puso ko?" Napasinghap ito. Bigla naman akong napahagighik. "I'm just kidding, nanny!" Hinila ko na ang kamay nito. Ang totoo ayokong ipagtapat dito na talagang kakaiba ang ibinigay na pakiramdam sa puso ko ng lalaking stranghero na iyon. Ayoko lang magtapat dito at baka sabihin kila mommy't daddy. Baka bigla pa akong pauwiin sa Pilipinas! Sa unang sulyap ng mga mata ko, ginising nito ang natutulog kong puso! At sisiguraduhin kong hindi lang ito ang unang pagkakataong magtatagpo ang mga landas namin! Paano kung may asawa na iyong tao, Princess Nhikira? Bigla akong natigilan. Parang sinuntok ang dibdib ko sa biglaang pagkabog no'n. Lihim pa akong napalunok. Hanggang sa napailing ako. Malakas ang kutob kong wala pang asawa ang strangherong iyon! Hindi ko makakalimutan ang mga mata nitong malalalim kung tumitig! Lalo na nang tumama ang mga mata nito sa mga labi ko. Ang paglunok nito ng ilang beses na siyang 'di nakaligtas sa paningin ko! Hindi ko rin makakalimutan ang huling tingin nitong ibinigay sa akin bago ito umalis sa harapan ko. Na para bang sinasabi ng mga mata nito na muling magkukrus ang mga landas namin! Hindi ko napigilang kiligin! Isang yugyog sa braso ang nagpagising sa mga pangarap ko! Ang nakakunot-noong si nanny!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD