SAMANTALANG blangko ang expression ng mukha ni Bradley habang nasa harapan ng pari. Para bang wala siyang naiintindihan sa mga sinasabi nito at paninikip nang kaniyang dibdib ang tanging nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Ni hindi niya rin magawang sulyapan ang kababatang si Adele dahil sa pagkamuhi sa dalaga. Ito ang dahilan kung bakit narito sila ngayon sa simbahan. Kung 'di lang siya nag-alala sa kalagayan ng kaniyang mahal na Grandma, marahil, nasaktan na niya ito sa ginawa nito. Hinding-hindi niya makakalimutan kung paanong halos mawala ang mahal niyang Grandma dahil kagagawan nito! FLASHBACK.. "Finally.." bigkas ni Adele na ikinalingon ni Bradley. Kababalik niya lang galing sa Singapore dahil sa emergency na sinasabi nito. Ayaw naman nitong sabihin sa telepono, kaya n

