LUMIPAS ANG MGA ARAW. Isang mabigat na buntong hininga ang pinakawalan ko ng maikabit ko na rin sa wakas ang kurtina sa kuwarto ni Bradley. Ilang araw na itong wala. Ang rinig ko, nasa isang business trip ito. Hindi ko tuloy alam kung kailan naman kaya siya babalik? Ang bilis ng pangungulila ko sa kanya kahit wala namang namumuong relasyon sa kanila. Ganito yata talaga kapag inlove? Akmang bababa na ako sa hagdan ng bigla akong mapalingon sa bandang bahagi ng pintuan. At ganoon na lang ang pagkabigla ko nang makitang nakatayo ang binatang si Bradley habang nakamasid sa akin. Dahil sa pagkagulat, biglang nadulas ang paa ko na siyang ikinawala ko sa balanse. Isang tili ang kumawala sa bibig ko nang tuluyan akong makabitaw sa hinahawakan ko. Inaasahan ko nang bale-bale ang buto ko

