NAGMAMADALING umuwi si Bradley nang malamang nasa mansion ang mag-inang Winter. Hindi niya maiwasang kabahan sa isiping biglaan yata ang pagpunta ng mga ito? Ni wala siyang alam na pupunta ang mga ito? Sa isiping ang kanyang mahal na Grandma ang nag-imbita sa mga ito, labis ang kabog ng kanyang dibdib. Mukhang hindi na nga makapaghintay ang kanyang mahal na Grandma at ito na mismo ang gumawa ng hakbang upang makausap ang pamilyang Winter. Ang totoo, sinadya niyang hindi puntahan ni kausapin man ang dalaga kahit kayang-kaya niya itong puntahan sa bansa kung saan ito nagiging abala sa pagmomodelo. Ngunit hindi niya iyon ginawa dahil wala nga siyang balak magpakasal sa kababata! Umaasa rin naman siyang hindi rin ito papayag sa kagustuhan ng kanyang mahal na Grandma. At ngayon natiti

