Grace's POV
Pagkarating ko ng harapan ng unit ko inentet ko kaagad yung passcode, pagkapasok ko nakita ko yung dalawa kong kaibigan na nakatayo habang si finn ay nakayuko habang may karga na bata.
"Anong meron?" Bungad ko dahilan para mapatingin sila sa gawi ko habang ako papalapit sa kinaroroonan ni finn at umupo sa tabi niya.
"Eh yan kasing si finn pinapunta kami dito tapos may karga na kaagad na bata and He's cute." Nakangiti na paliwanag ni jack.
Tumingin ako sa batang lalake na nakatingin kay finn. Tila parang natutuwa ito. "Huwag mong sabihin na anak mo yan?" Nagtatakang tanong ko.
"Oo." Tipid na sabi nito habang nakikipaglaro. Hindi halatang mahilig siya sa bata.
"Eh nasaan yung mama niya?" Tanong ko.
"Kasamaang palad namatay daw matapos ipanganak si Rex." Sabi nito.
"Anong gagawin mo ngayon?" Tanong ni Tobby.
"Kaya nga tinawagan ko kayo kasi kailangan ko ng tulong niyo, saka nangangapa ako kung paano alagaan si Rex." Paliwanag nito.
"Wala naman kaso sakin yun. Pabuhat naman kay Rex." Sabi ko wala naman pagaalinlangan na pinabuhat ni finn sakin yung anak niya.
"Gusto ko sana na ikaw yung ituturi niya na tita at mommy dahil alam ko na marunong ka din mag-alaga ng bata." Sabi ni Finn.
"Okay lang naman. Saka gusto ko talaga sa mga bata. Paano ka nga pala nakabuo? Nakabuntis ka?" Pabiro na sabi ko.
Tumingin ako kay rex na nakatingin sakin kaya ngumiti ako. "Hello Rex I will be your Tita/mommy for short and you have a 3 daddy here." Masayang sabi ko narinig ko naman siyang humagikgik.
"Parang naiintindihan ka niya." Natatawang sabi ni jack.
"Nga pala gusto ko sana na tumira tayo sa New York City, okay lang ba sainyo?" Biglang sabi ni finn.
Nagulat naman ako sa sinabi niya. "Eh diba may kanya kanya tayong trabaho? Paano naman yun? Pero okay lang din naman sakin."
"Kahit naman nasa NYC tayo pwede niyo naman ihandle. Saka ikaw naman grace ilan ulit namin sinabi sayo na huwag ka nang magtrabaho nandito kaming tatlo para tumulong saka nag-iisang prinsesa ka namin." Nakangiting sabi nito. Sumang-ayon naman yung dalawa.
"Okay, pero pag lumaki na si Rex magtatrabaho na ako saka 1 years old na to diba?"
"Oo, bago kasi siya binigay ng lola niya inalagaan niya muna daw bago ibinigay sakin."
----
Matapos kong mag-impake lumabas na ako kasi ready na din naman yung mga boys parang ako na lang talaga yung hinihintay.
"Tara na." Sabi nila kaya tumango ako. Buhat-buhat nila yung mga gamit ko maliban kay Finn na buhat yung anak niya.