“Are you free on Friday night?” East asked one morning when we’re on our way to work. Of course, ihahatid niya muna ako bago siya pumunta sa trabaho niya. “Wala naman akong trabaho kung gabi maliban na lang kapag drama,” sagot ko. “Bakit?” “I have a business party to attend.” Naglakbay ang kanan niyang kamay mula sa manibela papunta sa hita ko. “I want you to come.” “Okay,” sagot ko. Napalingon siya sa akin na parang nagulat sa sagot ko. “Really?” medyo hindi makapaniwala ang boses niya. Medyo natawa ako. “Oo nga. Bakit?” He shrugged. “I just thought kailangan pa kitang pilitin para sumama.” Umirap ako. Gano’n siguro talaga ako sa kanya lalo na noong mga unang linggo na magkasama kami. Bukod sa ayaw ko siyang kasama ay gumagawa ako ng dahilan dati para lang hindi kami magsama dalawa

