CHAPTER 01

2214 Words
"Miss Rochel Tamayo, ano po ang masasabi n’yo sa kumakalat na balita tungkol sa boyfriend n’yo?" Gusto kong umirap sa inis dahil hindi ko na mabilang kung pang ilang beses na akong natanong ng kaparehong tanong ngayong araw at kahit noong mga nakaraang araw pa. At kahit ilang beses kong sagutin 'yon ay may mga reporters pa rin na nagtatanong, naghihintay marahil ng bago kong sasabihin. Gosh. Napapagod rin kaya akong sumabot. Tinanggal ko ang suot kong shades bago sumagot sa tanong. "Like what I have said, fake news lang 'yon. Carlo loves me and he will never cheat on me," I said confidently while smiling sweetly to the reporters. "How about Mr. Vallera? Bali-balita na nililigawan ka niya." Hindi na ako sumagot. Ilang beses ko na rin naman na iyong nasagot noong nakaraaan. Isa pa ay kasasabi ko lang na kami pa rin ng boyfriend kong si Carlo, hindi ba dapat sign na rin 'yon na walang namamagitan sa amin ni Mr. Vallera? Gosh. I waved at them before entering the van. Napabuntong hininga na lang ako at napasandal sa upuan nang makapasok dahil sa pagod. "Huwag mong kakalimutan na may appointment ka bukas, okay? Kailangan dapat maaga ka," my manager reminded me. I just nodded and didn't answer because I know that my personal assistant will still remind me that. Umandar na ang sasakyan nang umalis ang manager ko. I closed my eyes and tried to sleep but the issues are keeping me awake. Kahit subukan kong huwag ma-bother sa mga pinagsasabi nila ay hindi ko pa rin maiwasan. "Tin, sa tingin mo rin ba niloloko ako ni Carlo?" I asked my personal assistant. Nasa tabi ko siya at hawak ang tablet niya kung saan niya nilalagay ang mga schedules ko. That is the reason why I don’t have to bother remembering what my manager is saying about my sched or such. Tin is just so responsible for everything. I know that I also have to be independent on my sched but lately was just so draining and I keep on forgetting things every time I'm not feeling well. Good thing she's with me. I was just looking outside the window while waiting for her answer. Iniisip ko rin ang sagot sa sarili kong tanong. "Ano po ba sa tingin mo, Miss Roch? May kahina-hinala po ba kay Sir Carlo?" she asked me back. Napabuntong hininga na lang ako dahil alam kong mayroon. I trust my gut feel and ang nito ay may kahina-hinala. Hindi ko lang matukoy kung ano. Carlo Gizon is my boyfriend for one year already. Artista rin siya katulad ko at pareho kami ng entertainment company. He is into singing while I'm into acting. Sa isang singing show kami nagkakilala nang ma-invite ako to be one of the judges at siya naman ay isa sa mga nag-audition. Fortunately, he won the contest. Doon nag simula ang madalas naming pag-uusap and after that he courted me. He's handsome and has a good heart, that's what I liked about him. Sinagot ko siya at isang taon na kami. Though these past few days, he's being weird and I don't know why. Madalang na lang kaming magkita at hindi ko pa siya nakakausap nang maayos kasi busy rin ako sa pag-promote ng movie na pinagbibidahan ko. "Tapos may kumakalat pa na balita tungkol sa inyo ni Mr. Vallera. Narinig ko kanina sa isang news na hiwalay na raw kayo ni Sir Carlo at si Mr. Vallera ang ipinalit mo," dagdag ni Tin. Napairap na lang ako kasi wala naman 'yong katotohanan. Mike Vallera is the leading man of my new movie at natural na sa ibang fans na ipag-pares kaming dalawa kahit alam nilang may boyfriend na ako. Hindi na rin bago sa akin ang bagay na 'yon dahil noon pa man ay nali-link ako kahit kanino. Sa totoo lang ay marami ang hindi sumang-ayon nang sinabi ko sa media na kami na ni Carlo. My fans doesn't like him for me dahil gagamitin niya lang daw ako para sumikat siya. Pero wala naman silang magagawa dahil ako naman ang magde-decide. I love my boyfriend and he loves me too. Well, that's what I think. Nitong nakaraan ay napapadalas ang hindi namin pagkikita and I don't have any idea about what is he doing. Tumatawag naman siya pero madalang na rin. I know we're both busy with our career and I am not against us not seeing each other, pero ano man lang 'yong tatawag siya para kamustahin ang girlfriend niya o hindi kaya ay sagutin ang mga text at tawag ko? Sana hindi siya gumagawa ng kagagohan. Hindi ko alam ang magagawa ko kung sakali mang malaman ko na niloloko niya ako. "Papa..." I kissed my father's cheek when I got home. Tumabi rin ako ng upo sa kanya, nilagay ko muna sa table ang bag ko bago ako sumandal sa balikat niya. I just love doing this thing every time umuuwi ako. Pahinga ko ang mga magulang ko. "How's the show, 'nak?" malambing na tanong niya. "Ayos lang po," sagot ko at ngumiti sa kanya. "Uminom ka na ba ng gamot, Pa?" Umiling siya kaya napabuntong hininga ako at mabilis na tumayo para kunin ang gamot niya at pinainom ‘yon sa kanya. "Papa naman. Bakit ba lagi niyong nakakalimutan uminom ng gamot?" nakasimangot kong tanong. May sakit kasi siya sa puso tapos ang dami niya pang trabaho na inaatupag sa kompanya namin. "I'm fine, anak. Ngayon ko lang naman nakalimutan kasi umalis sandali ang Mama mo," he answered, still watching the show on the television. "Rest ka na later, okay? Matutulog lang po ako," paalam ko bago umakyat sa taas at pumasok sa kwarto ko. I took a bath and throw myself on the bed after. Nagising lang ako nang tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko 'yon sa gilid ng kama. It was a text from Carlo saying that he wants to see me. Himala, ah. Gusto kong mag-reply at itanong sa kanya kung bakit ngayon lang siya nagparamdam? Ngayon lang din ba niya naalala na may girlfriend siya? Gosh! That guy! Ilang araw niya ring hindi pinapansin ang mga tawag at text ko. Bumangon na ako at pumunta sa baba para kumain. I saw my mother preparing my food when I entered the dining. "Mama..." She faced me and showed a sweet smile. "Anak ko, nakatulog ka ba ng maayos?" I hugged her and kissed her cheeks. "A bit, Ma." Umupo na ako sa upuan at siya na ang naglagay ng pagkain sa plato ko kaya hindi ko maiwasang mapangiti. Well, binigyan lang naman ako ng mabubuting magulang at napakaswerte ko sa parteng 'yon. "Nasaan si Papa?" "Office. May meeting with the shareholders." Napabuntong hininga ako. "Hindi po ba nakakasama 'yon sa kanya? Dapat nandito na lang siya sa bahay at nagpapahinga, e." Malungkot na ngumiti si Mama sa akin. "Alam mo naman kung bakit, ‘di ’ba? Naghahanap pa rin ng taong hahawak sa kompanya ang Papa mo kaya hindi pa siya puwedeng umalis." Nakonsensya ako bigla. Ako lang naman kasi ang anak nila pero ayaw kong manahin ang company ni Papa dahil mas gusto ko ang ginagawa ko ngayon at iyon ay ang pag-aartista. I just can't see myself doing that CEO things, checking and signing papers inside the office. Pero kahit na gano'n ay nakakaramdam pa rin ako ng konsensya. Kapag may nangyaring masama kay Papa, sarili ko ang sisisihin ko. "I'm sorry," I whispered. Tumayo si Mama at niyakap ako galing sa likod. "Don't think about it, sweetheart. Wala ka namang kasalanan at handa kaming suportahan ang mga gusto mo, okay?" I nodded and smiled at her. I am just so lucky to have them as my parents. Kahit kaylan ay wala silang ginawang pagtutol sa mga kagustuhan ko sa buhay. Nariyan lang sila at nakasuporta sa mga gusto ko. I am just an adopted child. Patay na ang mga totoo kong magulang. Dating secretary ni Papa ang totoo kong ama at no'ng namatay sila ng ina ko ay mga Tamayo ang kumupkop sa akin dahil hindi sila nagkaanak. I am so thankful for having them as my parents. Yes, I may not be their biological daughter but they didn't let me feel like one. Parang totoong anak ako kung alagaan at suportahan nila. Kung mahalin nila ako ay parang dugo nilang dalawa ang dumadaloy sa mga ugat ko. "I'll be back after dinner," I told my mom before entering my car. Nagpaalam ako na lalabas dahil may kikitain. Pumunta ako sa Mikkie's Restaurant, restaurant ng kaibigan ko, dahil doon kami magkikita ni Carlo ngayon. Medyo natagalan ako dahil sa traffic kaya hindi na ako nagtaka nang makita ang naiinip na mukha ng boyfriend ko na naghihintay sa akin. We're on the garden of the Restaurant. Lagi akong dito kumakain para malayo sa mga taong kumukuha ng pictures. I just want to eat peacefully that's why. Ang hirap magpakabusog kung alam mong maraming tao ang nakatingin sa ’yo at kumukuha ng pictures. "What took you so long?" Carlo asked. Nakakunot ang noo niya at nakasimangot. "Aren't you supposed to hug or kiss me first?" I asked and I can't even stop my eyes from rolling. Agad naman siyang tumayo at hinalikan ako sa pisnge bago bumalik sa puwesto niya kanina. "So, what took you so long?" he asked for the second time. Tamad akong umupo sa upuan na nakaharap sa kaniya at tinaasan siya ng kilay. "How 'bout you? What took you so long to talk to me?" Nawala ang pagkunot ng noo niya at agad siyang napaiwas ng tingin sa akin. Hindi siya nakasagot na lalong ikinainit ng ulo ko. May tinatago nga talaga siya? Damn it. "What?" I looked at him like I'm demanding for an answer or explanation. "Don't tell me that you forgot that you still have a girlfriend? Don't bullshit me, Carlo." Napapikit siya. "It's not like that, okay? Puwede ba tumahimik ka muna?" Lalong tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. The audacity of this guy to say that? "’Wag mo akong utusan . Kung ayaw mong mainis dahil pinangungunahan ka, then better explain." Napabuntong hininga siya. "Look, babe, I was just… b-busy with my new song. Hindi na nga ako nakakatulog nang maayos tapos ganyan ka pa?" Lumambing bigla ang boses niya. "Gaano ba kahirap sa ’yo na tawagan ako o sagotin lang man ang mga tawag ko? Sa pagkakaalam ko kasi, bibig ang ginagamit sa pagkanta at hindi kamay," sarkastikong saad ko at sumandal sa sandalan ng inuupuan. Akala niya siguro maaapektohan ako sa lambing ng boses niya? Siguro noon, pero ngayon parang wala na. Hindi ko rin alam kong bakit. Dahil siguro naiinis ako kasi madalang na lang kami kung magkita. Mahal ko pa rin naman siya at hindi na sana 'yon mag bago. "Babawi ako, okay? After nito sayong-sayo na ako. You can ask anything you want me to do," he said and held my hand. Para namang kabit ang dating ng kinaka-busy-han niya ngayon. Hindi na lang ako umangal dahil alam ko namang tumutupad siya ng usapan. Marienel, my friend, who owned the restaurant served us the food she cooked. Kapag dito ako kumakain, luto niya ang gusto ko dahil hindi ako kumakain ng mga pagkain na gawa ng iba. I will just eat it if my mom or Marienel was the one who cooked it. Mahalaga ang pagkain na pinapasok sa katawan kaya dapat alam ko kong sino ang nagluto. Baka mamaya malason pa ako. Carlo and I talked about my new movie. As usual ay sumama na naman ang timpla ng mukha niya dahil nalaman niyang si Mike Vallera ang partner ko. Naiinis siyang umiiling. "Dapat hindi mo na tinanggap ang offer na 'yon, e. ‘Di ba sabi ko sa ’yo tumanggi ka kapag ang Mike na 'yon ang pinares sa ’yo?" Lagi naman siyang ganyan. Alam niya kasi na mas gusto ng karamihan na si Mike na lang ang naging boyfriend ko at hindi siya. Okay lang naman sa akin na nagseselos siya kaso minsan nakakasakal. Gusto niya siya lagi ang nasusunod kahit alam niyang ayaw ko ng gano'n. Hindi ako 'yong tipo ng babae na basta-basta na lang papayag sa gusto ng mga kasintahan nila. Hindi naman puwedeng siya lang ang magdidisisyon dahil buhay ko naman 'to at hindi lang siya ang tao sa relasyon na ‘to. "Wala na tayong magagawa, tapos na, e," sagot ko. "Kaya nga, Roch, e. Hindi ka naman nakikinig sa akin kahit lagi kong sinasabi sa’yo." "Exactly, Carlo," agad kong sagot. "Alam mong professional ako pag dating sa trabaho ko. Kapag trabaho, trabaho lang." "But I'm jealous!" "Hindi ko na 'yon kasalanan. Iniisipan mo nang masama 'yong tao kahit wala naman siyang ginagawa." Natapos kami sa pag kain na walang matinong napag-usapan. Hindi nga ako nakakain ng maayos. Buti na lang at kumain ako kanina sa bahay. Napabuntong hininga na lang ako nang lumabas na siya nang Resto dahil may emergency daw sa bahay nila. Hinayaan ko na lang dahil wala pa naman akong balak umuwi nang mag-aya siyang ihahatid niya ako. Gusto ko siyang makita pero minsan ay mas gusto ko na lang na wala siya dahil hindi ko nagugustuhan ang pag-aakto niya sa harapan ko. Gosh, that guy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD