Nagpaalam na ako kay Tin na mauuna ako sa van na maghahatid sa akin sa subdivision kung nasaan ang bahay ni East. I will not call it as 'our house' kasi pera lang naman niya ang ginamit doon. Siguro nga pagmamay-ari ko ang mayroon siya kasi asawa niya ako pero hindi ko tatanggapin. Baka kapag may nawala, ako pa ang sisihin niya katulad ng ginawa niya kay Daddy. "Susunod lang po ako," sabi ni Tin. Tumango ako at lumabas na. Nag-aayos pa kasi siya ng mga gamit ko na hindi ko na nagawa dahil sa sobrang antok kaya nagpaalam akong mauuna na sa van para matulog. Wala ang driver nang makalapit ako sa van na nasa parking lot pero bukas naman ang sasakyan. I was about to enter when I saw a black expensive car stopped few meters away from me. Hindi ko naman sana papansinin kaso pamilyar ang sasa

