"What the hell are you doing?" tanong ko kay East nang makita ko siyang naghihintay sa parking lot. Katatapos lang ng show at sa totoo lang, kanina pa ako hindi makapaghintay na matapos 'yon para kausapin siya. Good thing he is still here. Kahit sinabi niya kaninang dumaan lang daw siya. "Let's go home," he tried to reach for my hand but I stepped back. "Doon ako uuwi sa---" "Walang mag aaway. Uuwi ka sa bahay natin," mahinahon niyang sabi. Iritado akong bumuga ng hangin. "Bakit? Sino ba ang umaaway--" "Ikaw." "Anong ako?!" "Ikaw. Ikaw lang ang gusto ko. Let's go," bored niyang sagot at binuksan ang pinto ng kotse niya. Umawang ang labi ko sa pinagsasabi niya. What? Ano 'yun? Bakit ang corny niya? Gosh. Instead of following him, naglakad ako paalis. Ayoko ngang sumabay sa kanya.

