MABUTI na lang may extra dresses siya sa tuwing ganitong pagkakataon.
Nakasuot siya ng isang dress na may spaghetti strap at low-cut sa bandang dibdib.
Hindi ito lalagpas sa paa, above the ankle lang. Mayroon din itong slip na hindi gano'n kahaba na may kasamang ruffles sa ibaba.
Yumakap si Reese sa kaniya nang makita siya.
"I'm glad you came."
"Shempre naman." Bumitaw siya sa pagkakayakap dito.
"Happy Anniversary to your parents and I brought Chase with me."
Bumaling si Reese kay Chase at ngumiti rito. "Thanks for coming, bro!"
"We're not bro."
"Chase!" mahinang suway niya rito. Pilit na ngumiti siya kay Reese pagkatapos ay hinawakan niya ang likuran ni Chase.
"I guess, that's the que na pumunta na kami sa table namin, right cous?" singit ni Tyler.
"Yes, kuya Ty."
Tumango si Reese then guided them to their table. Umikot-ikot ang paningin niya nang makarating sila sa table.
Maraming bisita ang pamilyang Carson. Marami siyang nakitang ilang mas matanda sa kanila na sa tingin niya ay kasamahan ng magulang ni Reese.
"Gene, my mom has been asking you. She wants to meet you."
Nahihiya na ngumiti siya kay Reese. Expected na niya na makikilala niya ang magulang nito at sobra siyang kinakabahan.
"Ok," she said then they both looked to her cousins. May ngiti sa labi nakatingin sa kaniya ang kambal at si Callie.
Nilingon niya sa gilid si Chase. Tahimik lang ito nakaupo at nakatingin sa wine glass na hawak nito.
Hindi niya napansin ang pag kuha nito sa isang waiter na dumaan sa gilid nila kanina.
"I'll be back," pagkuha niya sa atensyon ni Chase. Tumingin ito sa kaniya at tumango. Humalik naman siya sa pisngi nito.
Napansin niya nagulat si Chase sa akto niya pero hindi na niya ito pinansin at mabilis na tumayo para samahan si Reese.
Inaamin niya sa tuwing dinadatnan siya ay mas nagiging clingy siya sa binata.
"Shall we?" baling niya kay Reese. Inabot nito ang braso sa kaniya na pinagkawitan niya ng kamay.
Nag tungo sila sa table kung nasaan ang ina nito. Nang makita sila nito ay may ngiti ito sa labi.
"Son, who is this fine young lady?" tanong ng ina ni Reese pagkatapos humalik ni Reese sa pisngi ng ina.
"Mom, this is—"
"Good evening, Mrs. Carson. My name is Genesis Harper Thompson." Inabot niya ang kamay dito. Umiling naman ito at lumapit sa kaniya para mag beso.
"Oh my! Ikaw 'yong nag pinta sa'min, tama? My son never shut up about you after he gave to us his gift which is your painting."
"Mom!"
"It was marvelous, dear," dagdag pa na anito sa kaniya nang balewalain nito ang anak.
Ngumiti siya rito. "Thank you po, Mrs. Carson."
"No. Thank you! And don't worry, I promise to recommend you to some of my colleagues."
"Appreciated ko po. Thank you, so much and happy anniversary. Where is your husband po pala?"
Luminga-linga siya. "You might see him later. I think, He's busy with his business associates."
"Mom, we'll go ahead na po. Babalik ko pa ito sa mga pinsan niya."
"Right! The twins and Callie. Anak, sa susunod isama mo si Harper dito sa bahay."
"Mom, don't call her Harper. Gene is fine."
"Don't you think you're being possessive, anak?"
"Mom!"
Pinanuod niya ang mag ina na maglokohan sa kaniyang harapan. Napa-ngiti siya sa mga ito.
"Just kidding, go ahead," natatawang ani Mrs. Carson sa kanila.
"Mauna na po kami, Mrs. Carson. Enjoy your night po."
"Thank you, dear."
Nang matapos sila kausapin ang ina nito ay binalik na siya ni Reese sa lamesa ng mga pinsan niya.
"Binalik ko siya nang buo, Thompson."
Tumawa si Tyler. "Yeah, but sinong Thompson tinutukoy mo sa'min?"
Naiiling na tumabi siya kay Chase. Kalokahan talaga ni Tyler o more like nang kambal.
"Siraulo."
Mas lalong tumawa si Tyler at nakisabay na rin ang kakambal nito. Natatawa na binalingan niya si Chase, may hawak pa rin itong glass of wine.
"Kuya, tigilan niyo na si Reese," sita niya sa mga ito pagkatapos ay kinuha niya ang kamay ni Chase para hawakan ito.
Gulat itong lumingon sa kaniya. She just smiled at him.
"Reese, we're good na here. Baka hinahanap ka ng mom mo."
"Yeah. Enjoy kayo rito."
"We will, dude! Thanks!" saad ni Skyler.
"Gene?" Nilingon niya si Reese nang tawagin siya nito. Hawak-hawak niya pa rin ang kamay ni Chase. Wala siyang pakealam kung may ibang tao. She loves Chase's warm hand.
"I'll talk to you later," he said then kissed her forehead na kinabigla niya. Titingin na sana siya kay Chase nang bitawan nito ang kamay niya.
Umalis si Reese sa lamesa nila habang ang mga pinsan naman niya ay may malokong ngiti ngunit hindi niya ito binigyan pansin dahil Chase just dropped her hand.
"What was that, Gene?" tanong ni Callie sa kaniya. Binalingan niya ito saglit, "ate, wala 'yon."
"Chase?" baling niya ulit sa pinsan ngunit hindi siya nito nililingon.
"I guess, someone's jealous."
"f**k you, Tyler and your comments," inis na singhal ni Chase sa pinsan.
"Chill, I was just kidding."
"Well, I'm not. So, f**k off."
"The f**k, Chase?!" singhal din ni Tyler dito. Hinawakan ni Callie ang braso nito at bumulong sa tenga nito. Tumigil naman si Tyler at inis na tumingin kay Chase.
Sinubukan niya hawakan ang braso ni Chase ngunit nasaktan naman siya nang umiwas lang ito sa kaniya.
"Chase," mahinang tawag niya rito.
Malamig na bumaling ito sa kaniya. "Genesis, stop."
Tinawag na naman siya nito sa una niyang pangalan. Gusto niya mainis dito dahil wala naman siyang ginagawa. Walang may expected sa ginawa ni Reese kanina.
"Geez, Harper! Don't make that face," may inis na saad nito sa kaniya pagkatapos ay naramdaman na lang niya ang tela na dumikit sa kaniyang balikat.
Nilingon niya si Chase. Titig na titig ito sa kaniya. Hinubad pala nito ang suot na tuxedo at pinatong sa kaniyang balikat.
"Thanks, but inis ako sa'yo." She can't help but to rolled her eyes at him.
Tumango ito sa kaniya pagkatapos ay kumuha ulit ito ng wine sa dumaan na waiter.
Napapansin niya nakakarami na ito nang inom.
Makalipas ang ilang oras. Naging tahimik lang silang dalawa ni Chase. Maski no'ng kumain ng dinner ay tahimik lang sila at tanging ang kambal at Callie lang ang maririnig sa kanilang table.
"Hi! Pwede ko ba mayaya ang isang magandang dilag nasa aking harapan ngayon?"
"Reese." Pilit na ngumiti siya rito. Hindi niya alam kung tatanggapin niya ba ang alok nito lalo na at alam niyang nag seselos si Chase.
Tinitigan niya ang kamay nitong nakalahad sa kaniyang harapan pagkatapos ay alinlangan siyang tumingin kay Chase sa gilid nila.
Napansin niya rin na tinitigan sila ng kambal at Callie.
"I don't dance," nahihiya niyang ani.
"Ayos lang. kahit ako rin." Nakangiting saad ni Reese. Bakat na bakat tuloy ang biloy nito sa magkabilaan nitong pisngi.
"Go ahead."
Mabilis niyang binalik ang paningin kay Chase nang mag salita ito.
"H-ha?"
"You're just waiting for my approval, right?"
Kumunot ang kaniyang noo. "No, I didn't. Why should I? Pinsan lang naman kita," may inis niyang saad rito.
Halata kay Chase ang gulat sa kaniyang sinabi. Kahit ang tatlo niya pang pinsan ay nagulat din.
"Right." Damang-dama niya ang pagiging sarkastik nito sa kaniya.
For the nth times, inikutan na naman niya ito ng mata bago tinanggap ang inaalok na sayaw ni Reese.
Hindi niya nilingon si Chase hanggang makarating sila sa gitna kung saan may mga nag s-slow dance at tanging violin ang tumutugtog sa background.
Medyo nabigla pa siya nang hawakan nito ang baywang niya at pinalapit sila sa isa't isa. Agad tuloy siya umiwas nang tingin dito.
"Hey, look at me."
Hinawakan ni Reese ang baba niya para ipaharap dito. Natawa naman siya nang makitang mag make face ito sa harapan niya.
"Stop that, Reese," natatawa niyang suway dito.
"Ayan, tumatawa ka na."
Bigla siya natahimik sa sinabi nito. Kaya pala. Hindi niya tuloy mapigilan na ngumiti rito.
"Ang ganda mo."
"A-ano ba 'yang pinagsasabi mo. Nakakahiya ka sa mga pinsan mong babae."
"But it's true. Maganda ka lalo na kapag ngumingiti ka."
"Tigalan mo nga ako." Marahan niya hinampas ang balikat nito pagkatapos ay inayos niya ang kapit sa leeg nito.
She was smiling nang makita niya si Chase na tinanggap ang alok ng isa sa pinsan ni Reese para sumayaw.
Hindi siya makapaniwala na tinanggap ito ng binata. Never niya ito nakita na may kasamang ibang babae. Sa tuwing prom ay lagi silang dalawa ang mag kasama at 'ni minsan ay hindi ito nag yaya man lang ng ibang babae.
Sa lungkot at inis niya ay yumakap siya kay Reese para na rin hindi nito mahalata nasa iba na ang atensyon niya.
Naramdaman niya ang mahinang pagtapik ni Reese sa balikat niya na mas lalong nag pa-lungkot sa kaniya.
Naiinis siya nang hawakan ni Chase ang babae sa baywang nito. Kung paano ngumiti ang babae kay Chase at kung paano rin nito binalikan ng tingin ang babae
Kanina ang sungit-sungit nito sa kaniya pagkatapos ngayon ay ngumingiti na ito sa iba.
Bigla tuloy siya na-conscious. Maganda 'yong kasama nitong babae. Kulot ang mahaba nitong buhok. Maputi rin ito at matangkad.
Pinikit na lang niya ang kaniyang mata. Dinamdam ang musika at ang malamig na hangin na humahaplos sa kaniyang balat. Naririnig niya rin ang mabilis na t***k nang puso ni Reese habang dahan-dahan siyang sinasayaw nito.
She wondered if may tatanggap ba sa kaniya kapag nalaman ang sekreto ng pamilya nila. Ngunit isipin pa lang iyon ay parang imposible nang mangyari.
NAGING tahimik ang naging biyahe nila ni Chase sa loob ng sasakyan. Parehas na hindi umiimik sila sa isa't isa hanggang makauwi.
Tinanggal niya ang seatbelt at binuksan ang pinto sa kaniyang gilid.
"Thanks for tonight," paalam niya bago lumabas. Bagsak ang balikat na tumuloy siya sa loob dahil hindi rin naman siya sinagot ni Chase.
Ngunit nasa bungad pa lang siya at rinig na rinig na niya ang ingay sa loob ng sala.
Masyado nang late para makarinig siya ng mga tawanan dahil madalas maaga natutulog ang kaniyang ina. Ang kapatid naman niya ay hindi gano'n tumatambay sa sala nang ganitong oras.
"Anak, kanina ka pa nandiyan? Nasaan si Chase?" tanong sa kaniya ng ina nang makita siya nito sa gilid. Ngunit hindi sa ina naka focus ang kaniyang tingin kundi sa lalaking kasama nito.
"Kakaalis lang po. Taas na po ako, Ma. I'm tired na."
"Wait, Gene! Kanina ka pa hinihintay ng kuya River mo."
Binalingan niya ulit nang tingin ang pinsan na lalaki.
"Bakit po, kuya?"
Hindi siya nito sinagot bagkus ay hinagod nito ang tingin sa kaiyang buong kasuotan na kina-taas niya ng kilay.
"Sige, maiwan ko na kayo. River, dito ka ba matutulog?"
"Yes, tita. Good night po." Humalik pa si River sa pisngi ng kaniyang ina. Gusto niya tuloy umikot ang mata dahil mukha ito magalang.
"Good night, ma." She kissed her good night din.
Nang makaalis ang ina niya ay mabilis nakalapit si River sa kaniya. Agad siya nito hinapit sa baywang na kinagulat niya.
"H-hoy."
"Why are you wearing like this every time I see you?" tanong nito sa kaniya habang hinahaplos nang marahan ang kaniyang braso.
Nahihirapan na sumagot siya rito. "A-ano naman sa'yo kung mag suot ako nang ganito?"
He hummed. "My baby isn't in the mood. Bad evening?"
Tinarayan na lang niya ito dahil hindi niya gusto sumagot ngunit namayani ang maganda nitong tawa sa kaniyang tenga.
"God! You're so cute. Okay, tell me what happened?"
"Nothing, bitawan mo nga ako. Matutulog na ako."
"Hindi mo ba narinig si tita? Dito ako matutulog."
"Edi matulog ka rito, I don't care."
Tinanggal niya ang pagkakahawak nito sa kaniya at nauna rito mag lakad ngunit sumunod naman ito sa kaniya.
"Kuya!" naiirita niyang suway rito nang huminto rin ito sa tapat ng silid niya.
Sumeryoso ang mukha nito. "I told you—"
She sighed. "I know!"