Third Person's POV Sa isang silid ng hospital, abalang-abala na nag-aayos ng mga gamit at pagkain ang isang binata. Sa isang gilid sa isang kama ay mapayapang natutulog ang isang dilag. Mabilis siyang naalimpungatan sa bawat ingay at kilos na ginagawa ng binata. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata at sandaling napatitig sa puting kisame, napagtanto niya na nasa hospital pa rin siya. Nang makapagmuni-muni ay mabilis na umupo ang dalaga, napalibot siya ng tingin at napako sa isang tao ang kaniyang tingin. Kay Xavier na abalang-abala sa pag-aayos ng mga pagkain, mapait siyang napangiti, kasabay ng pagtitig niya sa kapatid niyang kasalukuyan na natutulog sa sofa. Marami ng natulong ang binata sa kaniya kaya naman ay napagpasiyahan niyang magsalita, "Xavier," sambit niya sa mababan

