Charm's POV Abala akong nakasilip rito sa binata sa clinic na aking pinagtatambayan, hinihintay ko lamang matapos ang ginagawa ni Doctora. Kaya naman para hindi ako mainip ay pinagmasdan ko na lamang ang ibaba, sa pagtitig ko sa ibaba ay isang tao ang pamilyar sa akin. Sandaling napakunot ang noo ko at mas lalong tinitigan ang lalaki, his broad shoulder is somehow familiar to me. Kunot na kunot ang noo kong hindi maalis ang tingin sa kaniya, bakit ba parang masiyadong maraming bagay ang nagpapa alala sa akin kay Xavier? Sandali akong natigilan ng may mapagtanto, muli kong tinignan ang lalaki ngunit nawala ito sa aking paningin, ngunit saktuhan na paalis ang kaninang sasakyan na pamilyar sa akin. Natuod ako sa kinatatayuan ko ng may sandaling pumasok sa aking isipan, don't tell me...

