CHAPTER 4 CHARLOTTE’S POINT OF VIEW. "AHHHH!" Napapikit naman ako sa sakit ng impak ng pagkahulog ko. Napamulat naman ako at napahawak sa balakang ko. Wait.. Nasaan ako?! Bakit..bakit parang nasa ibang lugar ako?! "Miss, okay kalang?" Napatingin naman ako sa babaeng papalapit sa akin. Napakunot naman ang noo ko. Bakit iba ang kasuotan niya? Nanlaki naman ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. "H-hindi ka ba taga rito? B-bakit ganyan ang suot mo?" Napatingin naman ako sa sarili ko. Nakasando at nakashort parin ako. Napapikit naman ako at napadaing ng sumakit ang pwet ko. "Okay kalang?"alala niyang tanong. "Pwede mo ba akong tulungan tumayo? Ang sakit talaga ng balakang ko eh." Tumango tango naman siya at tinulungan ako patayo. Kita sa mukha niya ang taranta. Nang

