THE GAY CEO WAKAS PART ONE OF TWO JAMES’ POINT OF VIEW. “Crush ka nga kasi ng kambal ko, James!” pangungulit ng kaibigan kong si April na girlfriend ng kuya ko. “Ano naman ngayon? Pwede ba, April… ‘wag mo na akong ireto kahit kanino,” inis at walang gana ko na rin na sabi. “Mabait naman si Josie, e! At isa pa, kambal ko ‘yun kaya kilalang kilala ko,” muling sabi ng aking kaibigan. Napapikit ako at napahawak sa aking noo. Ang kulit talaga ng babaeng ‘to! Bakit ko ba ‘to naging kaibigan? “Kaibigan kita, April… at kaibigan ko rin si Josie.” “Pero gusto ka niya—” “Wala akong time para sa ganyan, April. Kaya please lang… tama na,” inis kong sabi, kaya tumahimik na lang siya at sumimangot. Marami na siyang niretong babae sa akin pero ni isa, walang nagtagumpay. Sinusungitan ko ito k

