ONSCREEN LIES CHAPTER 15 ELISSE’S POINT OF VIEW. Maaga akong nagising ngayong umaga. Bahagya pa akong nagulat nang makitang nakayakap si Jared sa bewang ko. Habang ako naman ay nakadantay ang aking paa sa kanya. Hindi ko mapigilan na mapangiti habang pinagmamasdan ko si Jared na nasa aking tabi habang natutulog. Ito ang first time na magkatabi kami sa iisang kama… na kasama ko siya sa pagtulog. At sobrang saya ko ngayon na makasama ko siya sa isang kama—walang malisya… pagtulog lang talaga. Hindi ko na ginising pa si Jared. Bago ako bumangon ay hinalikan ko muna siya sa kanyang pisngi at inayos ko ang kumot sa kanyang katawan. Tahimik na lang akong bumangon at hinayaan muna siyang matulog. Kasi mukha itong puyat at pagod ang kanyang katawan dahil sobrang lakas ng kanyang hilik. Pa

