ONSCREEN LIES CHAPTER 13 ELISSE’S POINT OF VIEW. “Hi, Babe! I missed you!” sabi ko kay Jared at tumakbo ako palapit sa kanya at hinalikan siya sa pisngi at niyakap. Naramdaman ko na natigilan si Jared sa pagyakap ko sa kanya. Narinig ko naman ang hiyawan ng mga tao sa paligid namin… kinikilig silang lahat. Mas lalo pa akong napangiti sa naging reaksyon ng mga nakikita ngayon. Nakita ko rin si Nadine na parang inis na inis na nakatingin sa amin, napairap din sya akin at padabog na umalis. Lihim akong napangiti muli sa ginawa niyang pag walk out. May shooting kasi kami ngayon sa isang variety show. At sa kasamaang palad ay nakasama ko pa talaga si Nadine. Sabi pa ni Lolita ay mas mabuti raw ito para wala nang mangyaring away sa pagitan namin at sa aming fans. E, hindi naman ta

