ONSCREEN LIES - 19

1228 Words

ONSCREEN LIES CHAPTER 19 ELISSE’S POINT OF VIEW. SINUNOD ko ang kagustuhan ng management, na mag hiatus na muna ako sa work ko. Gusto ko rin muna magpahinga. Pagod na pagod na ako sa mga issues na binabato nila sa akin. Tao lang din ako, napapagod… nasasaktan. Kailangan ko talaga munang magpahinga. “Anak, kumain ka na muna rito…” Napatingin ako sa aking likuran at nakita ko si Mama na palapit sa akin at nginitian niya ako. Hinawakan niya ang aking balikat at hinawakan ko rin ang kanyang kamay na nasa aking balikat at humarap ako sa kanya. “Busog pa po ako, Ma,” mahina kong sabi. Bumuntong-hininga siya at umupo siya sa aking tabi. Hinawakan niya ang magkabila kong kamay at mariin akong tinitigan sa aking mga mata. “Elisse, anak, alam kong nahihirapan ka sa sitwasyon mo ngayon. P

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD