ONSCREEN LIES CHAPTER 17 ELISSE’S POINT OF VIEW. “ELISSE!” Huminga ako ng malalim at pinakalma ko muna ang aking sarili bago ako humarap kay Jared. Napaiwas agad ako nang tingin sa kanya ng nakaramdam ako ng hiya. Bakit ko ba kasi siya sinundan dito?! “Elisse—” Hindi ko na siya hinayaan na ipagpatuloy ang kanyang pagsasalita, sumingit na ako. “May pinuntahan lang ako malapit dito. Malay ko ba na makikita kita dito kasama si... Faye.” Sabi ko at humina ang aking boses nang banggitin ko ang pangalan ni Faye. Alam ko na wala dapat akong ikaselos kasi kasal na si Faye sa pinsan ni Jared na si James Lloyd Real at mahal na mahal nito ang kanyang asawa. Naramdaman ko ang paglapit ni Jared sa akin. Hinawakan ang magkabila kong balikat kaya hindi ko mapigilang mapatingin sa kanya. “W

