ONSCREEN LIES CHAPTER THREE ELISSE’S POINT OF VIEW. “Ma’am, heto na po ang tubig niyo," wika ni Julia. Kinuha ko ito at mabilis na uminom. Nandito ako ngayon sa set kung saan tini-take ang ibang scene sa upcoming movie ko. Hindi ko kasama si Jared sa project na ito kaya medyo gumaan ang aking pakiramdam. Hindi ko kasi feels na maka trabaho ko siya sa isang project. Naiilang na nga akong umarte na may relasyon kami, umacting pa kaya sa isang project? No way. “Saan nga pala si Lolita, Jul?” Tanong ko nang hindi ko mahagilap si Lolita dito sa set. “May tumawag po sa cellphone niya, Madame. Pero pupunta naman siya rito,” sagot ng P.A ko. Tumango na lang ako at nagbasa ng aking script. Tinawag na ako ng staff at nag take ng isa pang scene hanggang sa natapos ko na lahat i-take ang lahat

