Nagising si Cherry na wala siyang katabi. At dahil rito ay naisip ni Cherry na panaginip lamang ang lahat nang nangyari. Ngunit mapapansin niya ang pabango ng kama na kanyang hinihigaan. Iba ang amoy ng kama sa pang-amoy niya. Kasabay nang pagkunot ng noo at pagsalubong ng kanyang kilay ay ang mabilis na pagbangon niya. Mabilis na pumasok sa isipan ni Cherry na wala siya sa higaan niya. Hindi rin ito ang amoy ng kama ng resort kung saan pinagdiwang ang bridal shower ni Jibelle. Walang oras na sinayang si Cherry. Nilibot niya ng tingin ang buong silid. Mapagtatanto ni Cherry na wala nga talaga siya sa kuwarto niya. Bago sa paningin ni Cherry ang nakikita niyang silid at kung nasaan siya. Bigla na maaalala ni Cherry ang mga sinabi ni Penny sa kanya at ang pinaggagawa nito sa kanya habang n

