(Celes POV)
Maaga akong gumising upang ipaghanda ng almusal si Camille.Sa ngayon kaylangan nya ng extra care lalo't dalawa na silang kumakain.Nagluto ako ng fried rice,bacon at scrambled egg.Gumawa ng vegetable salad para ma- balance ang pagkain nya.Nagtimpla narin ako ng gatas para sa kanya.
"Oh..ang aga mo ata hija?" Tanong ni mommy na kapapasok lang sa kusina.
"Ipinagluto ko po si Camille para makakain na po sya mom". Sagot ko rito.
" Kumusta na ang batang yun,I heared buntis sya". Puno ng pagaalalang turan ni mommy
"Hmmm..hmm.. mommy pwedeng dito mo na sya habang Hindi ko pa po nakakausap si tita?". Pagpapaalam ko sa ko rito.
"Walang problema yun Anak,Hindi na iba sa amin si Camille para narin naming Anak ito." Turan ni mommy
"Thanks po mommy". Sambit ko rito sabay halik sa kanyang pisngi.
" Oh sya pumanhik kana hija baka gutom na si Camille at ang future inaanak mo". Sambit ni mommy na may ngiti sa mga labi.
"Noted mom". Tugon ko rito.
Kaagad naman akong pumanhik sa aking kwarto upang pakainin si Camille ng agahan.
" Wake up sleepy head". Sambit ko habang marahan ang pagtapik ko sa kanyang pisngi.
"Oh nget...I'm sorry mejo napasarap ang tulog ko". Pupungas pungas na tugon nito.
" Kain ka muna para Hindi magutom si baby". Pag anyaya ko rito.
"Nget nagabala ka pa sana Ginising
mo nalang ako at sa ibaba nalang tayo kumain". Tugon nito
" Ano kaba nget,Pwede ko bang pagsilbihan ang magiging future inaanak ko." Pagtataray ko rito.
"Oo na nga". Sabay hampas sa balikat ko.
" Ouch naman,kung 'di mo lang talaga dinadala ang inaanak for sure na hampas narin kita". Pagtatampo ko rito
"Oh sya sorry na.. sabayan mo na ako masyadong marami ito 'di ko kayang ubusin lahat ng mga to." Pag anyaya nito sa akin.
Napuno ng tawanan ang aking buong silid habang pinagsasaluhan namin ang ginawa Kong breakfast sa kanya.
"Hindi ka ba papasok?" Tanong nito sa akin.
"Hindi mo na siguro.Kaylangan mo ako ngayon and besides more on reviews lang naman tayo today so dito nalang muna ako at sasamahan ka. Pagpapaliwanag ko rito.
" I'm sorry nget ng dahil sa akin lumiban ka pa sa klase". Malungkot na tugon nito.
"Don't feel sorry nget para saan at naging mag best friends tayo right?". Pag cheer up ko rito.
" Thank you nget". Sambit nito sabay yakap sa akin.
"Anyway paano mo ba nakilala ang ama ng baby mo? " Tanong ko rito
"Nakilala ko sya sa bar na sinasabi ko sa iyong bagong bukas. Panimula nito.
" Lasing na lasing ako that time halos Hindi ko na kayang tumayo sa sarili ko then may lalaking tumulong sa akin,grabe ang gwapo nya nget parang Hindi sya tagarito sa atin." Pagkwekwento nito.
"How did you know na hindi sya tagarito?" Tanong ko rito.
"Kakaiba kasi sya eh para bang kutis syudad". Sagot nito
"So kung taga syudad nga yang lalaking yan,paano natin sya mahahanap?." Tanong ko ulit rito.
.
"Ayun na nga eh,ang tanga tanga ko nget isang gabi lang yun.Binigay ko ang sarili ko Sa taong 'di ko naman kilala.Ney Hindi ko nga boyfriend o kaibigan man lang.Nag ni- night club narin ako,umiinom,nalalasing Pero kaya kung umiwas sa tukso.Yung gabing yun lang talaga ang Hindi ko naiwasan." Malungkot na paliwanag nito.
"Hayaan mo na nget blessing yan.Hindi na baleng 'di magpakita ang tatay nyan at least dalawa naman ang mommy nyan diba." Masayang sambit ko.
"Thank you nget,Hindi ko na alam kung saan pa ako tatakbo kapag wala ka." Tugon nito sabay yakap sa akin
" Naku,Tama na nga itong kadramahan natin." Sambit ko na may ngiti sa mga labi.
"Syanga pala nget sino Yung kasama mo kagabi? ikaw ha naglilihim kana sa akin." Tanong nito na may bakas ng pagtatampo.
"Ah..sya ba?. Si Hunter yun nget Anak sya ng kaibigan nila Daddy and mommy.Actually tino- tour ko lang sya sa boung hacienda namin.". Sagot ko rito.
" Kung Hindi ko lang pinagmasdan Yung kasama mo kanina aakalain Kong sya ang ama ng ipinagbubuntis ko.Hawig kasi sila eh. Ang gwapo!" Turan nito na may pilyang ngiti.
"Ikaw talaga puro ka kalokohan". Natatawang Sambit ko.
Napuno ng kulitan at tuksuhan ang aking buong silid.Hindi talaga ako magsasawang kasama itong kaibigan dahil sa dami nitong bitbit na kwento.Natigil lang kami sa kwentuhan ng may kumatok sa pinto.
" Celes,Camille baba muna kayo may bisita kayo sa ibaba." Sambit ni mommy sa likod ng pinto.
" Parating na po mommy " Sagot ko habang inaalalayan si Camille makababa sa kama.
Pagbaba namin ng hagdan ay bumungad sa amin ang parents ni Camille.Bakas sa kanilang mukha ang pagaalala.Magisa lang din kasing Anak si Camille.Kaya lahat ng gusto nya o luho nya nasusunod.Nagkamali man sya tiyak kong mauunawan naman iyon nila tita.Maybe nabigla lang sila sa pangyayari.Sino ba namang masisiyahan kapag nalaman mong nabuntis ang Anak mo ng Maaga tsaka 'di pa mahagilap ang ama ng dinadala mo,tiyak kong mag aalburoto talaga sila sa galit.Naging impulsive sila Tita sa nangyari but I know for sure walang makakatumbas sa pagmamahal nila Kay Camille.
Yakap ni tita at Tito si Camille,habang may mga luha sa kanilang mga mata.
"Sorry anak, kung nagawa namin sayo iyon." Turan ng mommy nito
"Nabigla lang kami sa pangyayari,lalo na't malapit ka ng matapos." Sambit naman ng daddy nito habang yakap parin ang kaibigan ko.
"Okay lang po iyon,mommy at daddy kasalanan ko rin po kasi e.." Sagot naman ng aking kaibigan.
"Oh sya uwi na tayo para makapagpahinga kayo ng magiging apo ko." Turan ng daddy nito.
"Maraming salamat sainyo sa pagpapatira Kay Camille,pasensya na sa abala. Lalo kana Celes dahil sa pagliban mo ng klase ngayong araw para lang alagaan si Camille." Sambit ni tita habang hinahaplos ang aking kamay.
"Wala po yun tita. Magkaibigan po kami Ni Camille,Hindi po sya iba sa amin." Masuyong tugon ko rito.
"Maraming Maraming salamat parin at Hindi pinabayaan ang aming anak." Pasasalamat ng mommy nito.
Niyakap ako ni tita maging si mommy ay Niyakap narin nito.Niyakap rin ako ni Camille at tuluyan na nga silang umalis ng bahay.
" Thank you mom for letting Camille to stay here." pasasalamat ko Kay mommy habang nakahilig ang ulo ko sa kanyang balikat at nakatanaw parin sa papalayong sasakyan nila Camille.
"Ano kaba anak,your happiness is our happiness always remember that." Masuyong tugon ni Mommy.
" I love you mommy same as to daddy.Mahal na mahal ko po kayo." Turan ko na may paglalambing.
" I love you to baby" Tugon ni mommy sabay halik sa tuktok ng aking ulo.