Chapter 3

1055 Words
Ling City Serene Kinakain ako ng pagkainip at galit habang hinihintay kng sumagot si Lorenzo habang nasa hapag kami. Hindi ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay hindi niya pa rin binibigay sa akin ang mana na nararapat para sa akin na siya ko ng inaasahan na mangyari pagbalik na pagbalik ko dito sa mansyon. Pakiramdam ko’y isang lifetime na akong nakatira dito sa kanila na napapalibutan ng kanyang kabit at anak sa labas. Pareho nilang kunwaring ipinapakita na may malasakit sila sa akin, pero alam kong puro kasinungalingan lang iyon. “Kailan mo ibibigay ang para sa akin?” diretsahang tanong ko, may halong inis sa boses ko. Hindi niya ako matingnan sa aking mga mata, isang malinaw na palatandaan na may itinatago siya. Simula pagkabata, sanay ako na kapag kausap ko ang isang tao, nakatingin sila nang diretso sa akin, bilang tanda ng katapatan. Pero iba si Lorenzo dahil alam kong nagsisinungaling siya. “Pinoproseso na ng abogado,” sagot niya, halatang gusto nang tapusin ang usapan. Pero hindi ako tanga, sanay na ako sa mga pangakong walang laman, lalo na mula sa ibang tao. Pero iba kapag galing sa sarili mong ama. Siyempre, hindi papahuli si Daisy, ang kabit ni Lorenzo. “Serene, bakit ka nagmamadali? Hindi ba naging maayos ang buhay mo sa probinsya? O gusto mo lang agad mahawakan ang pera mo?” Napailing ako sa kapal ng mukha niya. Ang lakas ng loob niyang pagsalitaan ako nang ganito, habang hindi niya man lang namamalayan ang kabalintunaan ng sinasabi niya. Noon, gusto kong panatilihin ang imahe ng pagiging mabait sa paningin nila. Pero mula nang dumating ako sa Ling City, ang mga pakpak kong mala-anghel ay naging matutulis na tinik. “Ano sa tingin mo ako? Isang baboy na naghihintay lang ng pagkain?” sagot ko, nakangiti nang mapanukso habang nakatitig sa kanya. Napangisi siya. “Well, hindi ko naman sinabing baboy ka… not until now. Lalo na’t mukhang nadagdagan ka ng timbang.” Napatawa ako at nagtaas ng kilay. Hindi totoo ang sinabi niya, pero alam kong may mas mahalagang bagay akong nakuha, ang tapang na ipaglaban ang sarili ko. Sumabat naman si Mavie, ang anak sa labas ni Lorenzo. “Mom, hindi mo naman kailangang sabihin nang ganyan. May mga bisita tayo.” Pero kita ko sa kanya, hindi ito tunay na pagtatanggol sa akin. Iyon ay isang pagbabalatkayo upang magingmaganda ang tingin sa kanya ng mga tao sa paligid. Nang mapansin ni Daisy ang pagkakamali niya, agad siyang nag-apologize sa mga bisita namin, sina Ryan at Reynold. Kunwari pa siyang may malasakit sa asal ko. Napangiti lang ako. Alam kong peke ang pagsisisi niya. “If you refuse to give me what is rightfully mine, then I will take matters into my own hands,” matigas kong pahayag. Wala na akong balak magtagal sa presensya nila. Lalo na’t tuwing nakikita ko kung paano tratuhin ni Lorenzo si Mavie, mas lalong lumiliyab ang galit sa dibdib ko. Isang buwan na mula nang dumating ako rito, at inasahan kong ibibigay na lang ni Lorenzo nang kusa ang mana ko. Pero hindi iyon naging ganoon kadali. Tuwing nagtatanong ako, pareho lang lagi ang sagot niya. At iyon ay “pinoproseso pa ng abogado". Sa loob ng panahong ito, natuklasan kong anak na pala ni Lorenzo si Mavie bago pa niya pinakasalan ang nanay ko. Alam ko na iyon mula sa mga lolo’t lola ko, pero may parte pa rin sa akin na umaasang may natitira pang kabutihan sa ama ko. Dahil sa kabila ng lahat, may bahagi pa rin ng puso ko ang nagmamahal sa kanya bilang anak. Pero heto siya ngayon, pinagpipilitan akong ipakasal. Kung hindi ko lang siya kilala, baka naniwala ako sa sinasabi niyang mabuti at mabait daw ang lalaking gusto niyang ipakasal sa akin. Pero no way! Alam kong may plano siya. Ipinipilit niyang ikasal ako sa kung sinu-sinong lalaking hindi naman papayagan ng kahit sinong mayamang magulang para sa anak nila. Driver ng kumpanya, anak ng kasambahay ng kaibigan niya, at iba pang lalaking kahit pinakamabait na magulang ay magdadalawang-isip. Wala akong masamang tingin sa kanila. Masisipag silang nagtatrabaho at marangal iyon. Pero ang pinag-uusapan natin dito ay si Lorenzo. Sigurado akong hinding-hindi niya ipapakasal si Mavie sa kahit isa sa kanila. Dahil gusto kong malaman ang totoo tungkol sa huling habilin ng nanay ko, ako na mismo ang naghanap sa abogadong sinasabi ni Lorenzo. At Diyos ko, mukhang kaya niyang takutin ang kahit sino. Pero hindi ako, hindi si Serene Portico. Ibinunyag niya sa akin ang laman ng testamento, at nang maintindihan ko kung ano ang ginagawa ni Lorenzo, napakuyom ako sa galit. Hindi ko na lang idedetalye ang iba pang nalaman ko, pero buti na lang at may konsensya pa si attorney para sabihin sa akin ang totoo, lalo na’t nalaman na rin ni Lorenzo ang lahat. Siyempre, agad kong sinabi kay Enzo ang buong sitwasyon para maimbestigahan. At ayun nga, lumabas na gusto ako ni Reynold para sa anak niya. At para mapawalang-bisa ang testamento ng nanay ko, nakipagkasundo si Lorenzo sa kanya para ipakasal ako sa lalaking kabaligtaran ng nasa last will and testament ng aking ina. Tatlong buwan ang lumipas bago tuluyang naayos ang lahat. At nagdesisyon akong pakasalan si Ryan sa isang simpleng dahilan, madali siyang kontrolin. Matapos ang kasal, iiwan ko ang mansyon para ipagpatuloy ang plano ko. Ang kunin ang mana ko at ibalik si Lorenzo kung saan siya nararapat. Nang palabas na ako ng kwarto ko, biglang nagsalita si Mavie, halos umiiyak, “Hindi mo ba pwedeng piliin na lang ang iba? Kailangan ba talaga si Ryan?” Tinaasan ko siya ng kilay. Alam kong may binabalak siya. “So, gusto mong tanggapin ko ang isa sa mga pinili ni Dad?” “Serene, bago ka lang sa siyudad. Hindi mo pa alam kung talagang gusto ka ni Ryan. Pero ako, sigurado ako. Matagal na kaming magkasama. Matagal na kaming nagde-date,” sagot niya, parang bida sa isang drama. Kung may ibang tao rito, baka isipin nilang inaagaw ko ang nobyo niya. Napangiti ako. “Well, kausapin mo siya.” Naglakad na ako paalis. Pinili ko si Ryan dahil siya ang unang lumapit sa akin. Alam kong madali siyang paikutin dahil wala siyang alam. Pero mukhang may balak si Mavie na agawin siya mula sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD