“Ayaw mo pa bang magkaanak, Yumi?” Papunta kami sa dining room para kumain ng dinner nang magtanong sa akin si Chantal. Dahil hindi ako makapag pahinga ng maayos matapos mabasa ang huling message sa akin ni Justin ay naligo na lang ako at pagkatapos ay pumunta sa room nila Kuya para makipaglaro kay Macy. Napansin kong titig na titig si Chantal sa akin kanina habang inaalagaan ko ang anak nila kaya siguro siya nakaisip na magtanong sa akin ng ganito. Nilingon ko siya at saka ngumisi. “Mahirap bang manganak?” tanong ko. Tumawa siya at saka niyaya na akong umupo para makakain na kami ng hapunan. “Bago ang panganganak ang isipin mo, iyong pagbubuntis muna, Yumi. Hindi mo ba itatanong kung mahirap bang magbuntis?” nakangising sambit niya. “Talaga? Mahirap bang magbuntis?” pagsakay ko sa si

