“Miss Yumi?” Muntik pa akong mapatalon sa sobrang gulat nang tawagin ako ng secretary ni Mommy. Kahit na nakakain na ako ng breakfast at nakapagkape ay parang lutang na lutang pa rin ang isip ko dahil wala akong gaanong tulog kagabi. Agad na nagtaasan ang mga balahibo sa katawan ko nang muling naalala ang naging usapan namin ni Rocky kagabi. Hindi ako sumagot sa kanya at sinabing bukas na namin pag-usapan sa opisina ang tungkol doon. Isa pa ay hindi naman normal para sa aming dalawa ang pag-usapan ang tungkol doon! Baka mamaya ay mag-usisa pa siya ng tuluyan at tanungin kung bakit kami naghalikan ng Justin Mijares na ‘yon! At ano naman ang isasagot ko kung sakaling itatanong nga niya ang tungkol sa bagay na ‘yon? Alangan namang sabihin kong wala lang yun? It’s not as if kissing while p

