Inis na nilapag ko ang phone ko sa ibabaw ng table dahil man lang kahit na anong message galing kay Justin. Halos abutin na ng ilang linggo pero hindi pa rin siya nagpaparamdam simula noong nakipag-break ako sa kanya! “Bakit naman kasi nakipag-break ka sa kanya through phone eh alam mo namang frustrated ‘yon ngayon dahil hindi na nga makauwi tapos namamatay pa sa selos dahil kay Andrew!” natatawang bulalas ni Athena nang isumbong ko sa kanya ang ginagawang hindi pagpaparamdam ni Justin sa akin. “Pagod lang naman ako that time tapos sinabayan niya ang pagod at stress ko sa kakaselos niya kaya kung anu-ano tuloy ang nasabi ko,” reklamo ko at uminom sa baso ng beer na halos maubos ko na. Kanina pa kami dito sa bahay nila Athena dahil dito na namin napagpasyahan na mag-meeting para sa susu

