Kanina pa kumukunot ang noo ko habang nakatingin sa papel na binigay ni Rocky sa akin kanina. Ang sabi niya ay nakasulat na doon ang schedule ni Justin. Pati ang mga lugar kung saan siya posibleng mahanap ay nilagay rin daw niya. I just can’t believe that he had gone this far for this project to be possible! Parang sa pag-alam pa lang ng schedule ng lalaking iyon ay nakakapagod na. What more kung makikipag negotiate pa?! Agad na napangiwi ako at napatingin sa tahimik na tahimik na opisina ng editorial team. Pagkatapos pa lang na maibigay sa akin ni Rocky ang schedule ni Justin sa akin ay umalis na sila para gawin ang mga trabaho nila. Lahat sila ay ginagawa ang lahat para lang maging posible ang project na ‘to at hindi mabuwag ang editorial team kaya kahit na ayaw ko sanang makaharap ul

